Bishop Bagaforo, itinalagang Co-President ng Pax Christi International

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 51,872 total views

Itinalaga si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo bilang bagong Co-President ng Pax Christi International para sa taong 2025–2028.

Naihalal si Bishop Bagaforo na siya ring bagong chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Interreligious Dialogue kasunod ng naganap na pagtitipon para sa ika-80 anibersaryo ng Pax Christi International na isang pandaigdigang kilusan sa Florence, Italy.

Ang Pax Christi International ay isang kilusang Katoliko para sa kapayapaan at Gospel non-violence na may natatanging papel sa Pilipinas ngayon lalo na habang patuloy na dumaranas ang bansa ng kawalan ng katarungan, pagkasira ng kalikasan, at matitinding alitan sa lipunan.

Ang pagkakahalal kay Bishop Bagaforo ay maituturing ding napapanahon ngayong patuloy na humaharap ang Pilipinas sa matinding pangamba kaugnay sa laganap na katiwalian sa pamahalaan, paghina ng mga demokratikong institusyon, at pangangailangan ng moral na pamumuno sa pamahalaan at lipunan.

Bilang dating Pangulo ng Caritas Philippines, si Bishop Bagaforo ay kilala sa kanyang matatag na paninindigan para sa mahihirap at sa pagsusulong ng mabuting pamamahala.
Kabilang din ang Obispo sa mga pangunahing nagsulong at tinig sa likod ng Trillion-Peso March Movement (TPMM) na nanawagan para sa katotohanan, pananagutan, at isang pamahalaang hindi tiwali kundi tapat na naglilingkod para sa kabutihan ng sambayanan.

Sa mensahe ng pagtanggap ni Bishop Bagaforo para sa kanyang bagong tungkulin bilang Co-President ng Pax Christi International ay ipinahayag ng Obispo ang kanyang pasasalamat sa tiwala sa kanyang kakayahan at tiniyak ang paninindigan upang maipalaganap sa lahat ang pag-asa na hatid ng Panginoon.

“May our work in Pax Christi be a humble offering—for peace, for justice, and for a future where every Filipino can live with dignity.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.
Hinihikayat naman ng Pax Christi International ang mga simbahan, kabataan, at mga civic organization groups na maglakbay nang sama-sama sa pagtatatag ng lipunang nakaugat sa katotohanan, habag, katarungan, at pagtatapos ng karahasan na naaayon sa Ebanghelyo.

Sa bagong tungkuling pandaigdig, inaasahang lalo pang palalawakin ni Bishop Bagaforo ang pagsusulong sa pagsasanib-puwersa ng mga simbahan at mamamayan para sa transparency, pagtataguyod ng good governance, pagpapatibay ng partisipasyon ng kabataan, at pagpapalawak ng peacebuilding efforts sa mga lokal at internasyonal na komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 10,877 total views

 10,877 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 34,029 total views

 34,029 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 104,142 total views

 104,142 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 178,755 total views

 178,755 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 258,103 total views

 258,103 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 3,605 total views

 3,605 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top