7-pitong pulis na dawit sa pagkamatay ng altar boy na si Dion Angelo dela Rosa, dinismis sa serbisyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 71,149 total reads

Ipinag-utos ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang ‘dismissal from service’ ng mga pulis na sangkot sa pagkamatay ng 13-taong gulang na si Dion Angelo “Gelo” dela Rosa na isang altar boy sa ilalim ng Diyosesis ng Kalookan.

Personal na dumalo sa pagdinig si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David at NAPOLCOM Vice Chairperson and Executive Officer Atty. Rafael Calinisan, na parehong nagpahayag ng matinding pag-aalala sa naging kinahinatnan ng binata at sa umano’y kapabayaan sa proseso ng pag-aresto sa ama nito, si Jayson dela Rosa.

Ayon sa imbestigasyon, inaresto ng mga pulis si dela Rosa sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan kung saan dahil sa walang kaalam-alam ang kanyang pamilya sa kanyang kinaroroonan ay napilitan ang anak nitong si Gelo na suungin ang bahang lampas tuhod upang hanapin ang ama na dahilan naman upang siya ay magka-leptospirosis na kanyang ikinamatay kalaunan.

“We decided all those involved in this Caloocan incident will be dismissed from the service,” Bahagi ng pahayag ni Atty. Calinisan.

Sa pagdinig, iginiit ni Cardinal David na ang nangyari ay isang trahedyang hindi dapat nangyayari sa isang lipunang nagtataguyod ng dignidad ng bawat tao, at mariing hiniling na mapanagot ang lahat ng mga may sala.

Inilarawan naman ni Commissioner Calinisan ang naging desisyon bilang isang ‘necessary accountability measure,’ upang maipakita na hindi kukunsintihin ng NAPOLCOM ang anumang pang-aabuso o kapabayaan ng mga nasa serbisyo.

“The findings reveal a clear abuse of power and a blatant disregard for due process and human rights. Such actions have no place in the police service…” Dagdag pa ni Atty. Calinisan.

Kasama sa mga pinatawan ng kaparusahan ang 7-pulis Caloocan na ayon sa imbestigasyon ay nagkulang sa tamang dokumentasyon, koordinasyon, at pagsunod sa protocol sa pag-aresto na pawang mga pagkukulang na nagresulta sa serye ng mga pangyayari na naglagay sa binatang si Gelo sa panganib.

Una ng nagpahayag ang komunidad ng parokya at pamilya dela Rosa ng pasasalamat sa mabilis na aksyon at pagtugon ng Simbahan at mga kinauukulan upang mabigyan ng katarungan ang sinapit ni Gelo, na kilala sa kanilang lugar bilang masipag na sakristan at tapat na lingkod ng Simbahan.

Patuloy namang nananawagan ang Simbahan at mga faith-based groups para sa mas malalim na reporma sa mga pulis na mga tagapagpatupad ng batas, lalo’t higit sa pagtatanggol ng karapatan ng mga bata at ng mga mahihirap na kadalasang naaapektuhan ng mga maling proseso at pang-aabuso ng kapangyarihan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 139,171 total reads

 139,171 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 213,451 total reads

 213,451 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 246,902 total reads

 246,901 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 282,199 total reads

 282,199 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 503,296 total reads

 503,296 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top