Paghihirap at pagkamatay ni Hesus, pinakatampok sa kasaysayan ng pagliligtas sa sangkatauhan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 50,927 total reads

Inihayag ni Fr. Francis Tiquia, Asia’s spiritual director ng Alliance of the Holy Family International, na ang pinakatampok na pangyayari sa kasaysayan ng pagliligtas sa sangkatauhan ay ang paghihirap at pagkamatay ni Hesus sa krus.

Ito ang binigyang-diin ng pari sa kanyang pagninilay sa ginanap na 26th Archdiocesan Communion and Reparation Vigil sa Archdiocesan Shrine of the Theotokos sa Carcar City, Cebu noong Disyembre 10–11,2025.

Ayon kay Fr. Tiquia, bagamat minsan lamang naganap ang pagpapakasakit ni Kristo, nananatili itong buhay at kasalukuyang nagiging tunay tuwing nagdiriwang ng Banal na Misa.

“The greatest action in the history of salvation is the dying of God, Jesus Christ, on the cross. The sacrifice of Christ happened only once, but because He is both God and man, it is always present and eternal,” ani Fr. Tiquia.

Hinimok niya ang mananampalataya na palalimin ang debosyon sa Banal na Eukaristiya sapagkat dito patuloy na ipinadadama ang buhay na presensya ni Kristo.

“Every time the Mass is celebrated, what transpired 2,000 years ago becomes real and present at the altar,” dagdag pa niya.

Binanggit din ng pari ang mahalagang bahagi ng Mahal na Birheng Maria sa plano ng kaligtasan, lalo na ang kanyang “oo” na nagbigay daan upang magkatawang-tao si Hesus.

“Mary is essential to the divine plan of salvation because she gave us the mediator and the source of all grace,” paliwanag ni Fr. Tiquia.

Inilarawan niya ang matinding dalamhati ni Maria sa paglakad ni Hesus patungong Kalbaryo hanggang sa pagkapako sa krus, na aniya’y pagpapakitang ang Ina ay lubos na nakibahagi sa paghihirap ng Anak.

Dagdag pa niya, ang tunay na debosyon kay Maria ay hindi naglalayo sa tao mula kay Kristo kundi lalo pang nagdadala sa Kanya.

“There is no danger of loving Mary too much because she always leads souls back to Jesus,” ani Fr. Tiquia.

Tema ng pagtitipon ang “Family Consecration & Reparation, the Urgent Appeal of Our Lady of Fatima,” na nagtataguyod ng debosyon sa Alliance of Two Hearts—ang Sacred Heart of Jesus at Immaculate Heart of Mary—upang pagsisihan ang mga kasalanan at bigyang-proteksyon ang mga pamilya.

Kabilang sa mga gawain sa overnight vigil ang pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya, pagtatanod sa Banal na Sakramento, paggawad ng sakramento ng pagkukumpisal, at pagdarasal ng Santo Rosaryo.

Photo courtesy: Theotokos Shrine Cebu

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 161,934 total reads

 161,934 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 223,621 total reads

 223,621 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 269,331 total reads

 269,331 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 370,598 total reads

 370,598 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 432,063 total reads

 432,063 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top