Obispo ng Diocese of Masbate, sumakabilang buhay na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 72,785 total views

Pumanaw na sa edad na 65-taong gulang ang Obispo ng Diyosesis ng Masbate na si Bishop Jose Salmorin Bantolo.

Sa isinapublikong opisyal na anunsyo ng Diyosesis ng Masbate, pumanaw si Bishop Bantolo noong Sabado – December 13, 2025 pasado alas-10:36 ng gabi.

Nagluluksa ang Simbahan sa pagpanaw ng Obispo na inialay ang kanyang buhay sa tapat at mapagkalingang paglilingkod sa bayan ng Diyos, lalo na sa mga pamayanang nasa isla at mga liblib na lugar ng Masbate kung saan siya nagsilbing punong pastol ng diyosesis sa loob ng 14-na-taon.

Si Bishop Bantolo ay naordinahan bilang pari noong April 21, 1986.

Sa loob ng halos 4 na dekada ng kanyang pagpapari, nagsilbi si Bishop Bantolo sa iba’t ibang tungkulin bilang parish priest, rector ng seminaryo, diocesan administrator, bago italaga bilang Obispo ng Masbate noong September 11, 2011.

Sa loob ng 14 na taon ng kanyang pagiging Obispo ng Diyosesis ng Masbate ay pinangunahan niya ang lokal na Simbahan nang may kababaang-loob, sipag, at malasakit sa bawat isa.

“It is with deep sorrow that the Roman Catholic Diocese of Masbate announces the passing of the MOST REVEREND JOSE SALMORIN BANTOLO D.D., Bishop of Masbate. Bishop Bantolo was called to eternal rest on December 13, 2025 at around 10:36 pm at the age of 65. He served the faithful of the Diocese of Masbate with devotion and grace for 14 years. We give thanks for his life of service and selfless leadership.” Bahagi ng opisyal na anunsyo ng Diyosesis ng Masbate.

Bilang pastol, kabilang sa kanyang pangunahing ministeryo ang ebanghelisasyon, paghubog sa mga pari at mga layko, at malasakit sa mahihirap at nasa mission areas. Kilala si Bishop Bantolo sa kanyang tahimik ngunit matatag na pamumuno, at sa pagiging malapit sa mga pari, relihiyoso, at ordinaryong mananampalataya.

Samantala, nagsilbi rin si Bishop Bantolo bilang dating kasapi ng Permanent Council ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Culture.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 5,380 total views

 5,380 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 31,836 total views

 31,836 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 82,520 total views

 82,520 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 88,436 total views

 88,436 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 117,283 total views

 117,283 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top