Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,606 total views

Ika-apat na Linggo ng Adbiyento Cycle A
Is 7:10-14 Rom 1:1-7 Mt 1:18-24

Nangyayari sa ating buhay na tayo ay nasa mahigpit na kalagayan na kailangan tayong gumawa ng mabigat na desisyon, lalo na kung maaapektuhan ang ibang tao sa desisyon natin. Tulad ng tatay na magdedesisyon kung aalis ba siya sa trabaho kung saan nararamdaman niya na kinokontra siya at pinahihirapan ng kanyang mga kasama, pero may pamilya naman siyang sinusuportahan. Tulad ng isang nasangkot sa isang pagkakasala. Aaminin ba niya ito at mapapahamak ang iba? Tulad ng isang may asawa na para bang nawawala na ang tiwala sa kanyang kabiyak pero may mga anak na kailangang suportahan. Sa ganitong mga kalagayan, ano ang isinasaalang-alang natin sa ating pagdedesisyon? Bukas ba tayo sa Diyos at naniniwala ba tayo na nababahala din siya sa atin at tutulong siya? Alam ba natin na ang Diyos ay kasa-kasama natin sa mga madidilim na yugto ng buhay natin?

Iyan ang kalagayan ni haring Acaz sa ating unang pagbasa at ni Jose sa ating ebanghelyo. Kapwa silang may mabigat na problema. Si haring Acaz ng Jerusalem ay natatakot. Ang puso niya ay nanginginig sa takot tulad ng dahon ng puno na hinahampas ng hangin. Dalawang mga hari ang paparating upang salakayin ang Jerusalem, ang hari ng Damasco at ang hari ng Samaria. Isa laban sa dalawa. Si Jose ay abalang-abala rin. Nakatakda siyang ikasal kay Maria, pero bago sila magsama nalaman niya na si Maria ay buntis. Hindi niya alam kung bakit. Mabait na babae naman si Maria pero iyan, buntis siya. Ang dalawang lalaking ito ay may plano na kung ano ang gagawin. Inihanda na ni Haring Acaz ang pagsalakay sa Jerusalem. Kaya pinapalakas niya ang muog at inaayos ang supply ng tubig sa lunsod. Tumawag na siya sa hari ng Assyria at nagbayad na sa kanya na salakayin ang Damasco at Samaria. Si Jose ay may plano na rin. Siya ay isang taong matuwid. Ayaw niyang mapahiya at mapasama si Maria. Mangyayari ito kung ibubunyag niya sa iba na buntis si Maria. Ngunit hindi naman niya hahayaan na lang na parang walang nangyari. May nangyari kay Maria at hindi niya ito nauunawaan. Kaya ipinasya na lang niya na hiwalayan si Maria nang tahimik. Kahit na siya ay nasaktan, ayaw niyang mapasama si Maria.

Pero kumilos ang Diyos sa dalawang taong ito. Pinadala ng Diyos si propeta Isaias kay haring Acaz at isang anghel kay Jose. Sinabi ni propeta Isaias kay Acaz na huwag siyang matakot. Hindi mangyayari ang kanyang kinatatakutan. Hindi siya sasalakayin ng dalawang kaharian at babagsak pa nga sa madaling panahon ang mga lunsod ng Damasco at ng Samaria. Upang maniwala siya na mangyayari ito, pinahingi siya ng tanda, anumang tanda ay matutupad at ibibigay ito sa kanya ng Diyos. Ayaw niyang maniwala sa salita ng propeta. Mas umaasa siya sa kanyang plano. Hindi siya humingi ng tanda. Nagalit ang propeta sa kanya na pati ang Diyos ay niyayamot niya. Pero mangyayari ang plano ng Diyos. Hindi man siya hihingi ng tanda, ang Diyos ay magbibigay ng tanda – ang isang dalaga ay manganganak at ang anak niya ay tatawaging Emmanuel na ang ibig sabihin ay kasama nila ang Diyos. Hindi sila pababayaan ng Diyos. Hindi mawawasak ang Jerusalem.

Kakaiba si Jose. Pinaliwanag ng anghel sa kanyang panaginip na tanggapin na si Maria bilang asawa niya at ang bata bilang anak niya. Siya ang magbibigay ng pangalan sa kanya. Pangangalanan niya ito ng Jesus, na ang ibig sabihin, siya ang magliligtas sa kanyang bayan. Iyan ang magiging misyon ng bata na isisilang. Tanggapin na niya si Maria sapagkat ang nangyari sa kanya ay hindi kagagawan ng tao, kundi naglihi siya sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Kaagad sumunod si Jose. Pinakasalan niya si Maria at siya na ang tumayo bilang tatay ng bata. Dahil sa pagsunod niya, natupad ang tanda na ibinigay ni Isaias. Naglihi ang isang dalaga at nanganak ng isang lalaki na magiging Emmanuel – talagang Emmanuel siya sapagkat siya ay ang Diyos na naging kasama natin. Naging kasama natin ang Diyos kasi si Jesus, ang Anak ng Diyos na naging tao, ay kapwa natin, kapwa tao siya.

Kumikilos ang Diyos sa buhay natin. Sa ating kagipitan nag-aalok siya ng solusyon. Tayo ba ay tulad ni haring Acaz na ayaw maniwala? O tulad ba tayo ni Jose na kahit na ang inaalok ng Diyos ay kakaiba sa balak niya, naging masunurin siya at agad kumikilos ayon sa plano ng Diyos? Iba ang paraan ng paglapit ng Diyos kay Acaz. Ito ay sa pamamamagitan ng isang tao, isang propeta, at ang paglapit niya kay Jose, ito ay sa pamamamagitan ng anghel sa kanyang panaginip. Ibang paraan, pero lumapit ang Diyos sa kanila. Sa ating buhay lumalapit din ang Diyos at pinapabatid ang plano niya. Maging bukas tayo sa kanyang paglapit. Maging sensitive tayo sa kanya. Hindi siya pabaya sa atin. Lumalapit siya lalo na kung hinahanap-hanap natin siya at gusto nating gawin ang kalooban niya.

Ilang araw na lang at Pasko na. Huwag lang natin abangan ang araw ng December 25. Abangan natin si Jesus na nagbigay ng kahulugan sa December 25. Jesus is the reason for the season. Siya ang dahilan ng pasko. Tanggapin natin siya.

Noong ako ay batang pari pa lang, na-assign ako sa isang Parokya sa Makati. Hindi ito ang mayamang bahagi ng Makati. Ordinaryo at mahihirap lang ang mga tao rito. Busy ako noong Simbang gabi. Ang daming misa. Marami din ang mga Christmas party at mga regalo. Noong gabi ng Pasko masaya ang mga taong nagbabatian ng Merry Christmas pagkatapos ng midnight mass. Pagkatapos umuwi na ang lahat. Naiwan akong mag-isa sa simbahan. May kasama akong paring matanda na maaga nang natulog. Malungkot akong kumain ng noche Buena na mag-isa – nakatambak ang mga regalo, patay-sindi ang makukulay na Christmas lights at maraming pagkain sa lamesa. Pero nag-iisa ako. Doon ko naranasan na ang pasko ay wala sa mga bagay o mga dekorasyon. Pumunta ako sa simbahan at doon nanahimik sa harap ng Belen at ng Blessed Sacrament. Hindi ko namalayan na higit na isang oras ako naroon. Iyong ang isa sa pinakamalalim kong karanasan ng Pasko. Sa katahimikan ng panalangin nandoon si Jesus. Noon ko naranasan ang Emmanuel, ang Diyos na kasama natin. Kung nandiyan si Jesus hindi tayo nag-iisa. Sinasamahan tayo palagi ng Diyos. Maging bukas lamang tayo sa kanya.

Pagkakaibigan, pinakamabisang daan ng bokasyon-Cardinal Tagle

 11,707 total views

Iginiit ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-prefect ng Dicastery for Evangelization, na ang pagkakaibigan ang isa sa pinakamabisang daan ng bokasyon, sapagkat sa pamamagitan ng mga tunay na ugnayan nagiging buhay at konkretong karanasan ang pagkilala kay Hesus at ang pagtugon sa tawag ng Diyos.

Tinalakay ito ni Cardinal Tagle sa isinagawang Heart to Heart Talk sa unang araw ng 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) 2026 sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion, kung saan ibinahagi nina Sr. Mary Joannie Bolisay ng Sisters of Saint Paul of Chartres (SPC) at Fr. Dean Jerome Cruz ng Diocese of Cabanatuan ang mga pagkakaibigang naging bahagi ng kanilang paglalakbay tungo sa buhay relihiyoso at pagpapari.

Binigyang-diin ni Cardinal Tagle na bagama’t mahalaga ang mga vocation promotion materials tulad ng posters, videos, short stories at seminars, mas nagiging makapangyarihan ang personal na ugnayan at buhay na patotoo ng mga taong nagpapakita ng kasiyahan sa paglilingkod sa Diyos.

“While we appreciate the use of film, mga short stories na nakikita natin sa TV, yung mga posters announcing a diocese, a seminary, a religious order, they’re all good for giving information. But we should not discount the role of friendship in making the face of Jesus, the face of the Church, real to people,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Ibinahagi ni Sr. Bolisay na ang kanyang pagtugon sa bokasyon ay unti-unting nahubog sa pakikipagkaibigan niya sa mga seminarista ng Maria Asunta Seminary noong siya ay youth coordinator ng Diocese of Cabanatuan.

Ayon sa madre, ang masayang samahan at dedikasyon ng mga seminarista sa paglilingkod ang naging inspirasyon upang makita niya ang kagandahan ng buhay relihiyoso.

“Iyong joyful disposition ng mga seminarians, ‘yun po ‘yung isa sa mga nakahikayat sa akin na pwede naman palang subukan. At sila din po ‘yung nagpakilala sa akin ng congregation kung saan po ako papasok,” ayon kay Sr. Bolisay.

Samantala, ibinahagi naman ni Fr. Cruz na ang kanyang bokasyon bilang pari ay nagsimula rin sa pag-anyaya at paggabay ng mga kaibigang altar server at youth ministers noong siya ay nasa high school.

Binigyang-diin ng pari na mahalaga ang pagkakaroon ng mabubuting kaibigan maging sa patuloy na buhay-paglilingkod, lalo na sa panahon ng mga pagsubok at panghihina ng loob sa ministeryo.

“Truth and charity, magkakambal po ‘yan para sa growing relationship. You have to be truthful and of course you have to be charitable in expressing the truth para po balanse. Kasi kapag truth lang po, baka po masaktan kung walang charity. Pero kung charity lang, baka puro compromise naman po at wala pong truth. Baka po fake friendship na po ‘yun,” saad ni Fr. Cruz.

Sa pagtatapos ng talakayan, hinikayat ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na huwag matakot makipagkaibigan at maging saksi ng pag-ibig ni Kristo, dahil ang mga ugnayang binubuo ngayon ay maaaring maging binhi ng mga bokasyon sa hinaharap.

“The seeds of friendship that you sow now will be the harvest of vocation in the future,” ayon kay Cardinal Tagle.

Tema ng PCNE XII ang “Sangkay: I have called you Friends (John 15:15),” na naglalayong palalimin ang diwa ng pagkakaibigan bilang daan tungo sa pagbabagong-loob sa misyon at sa pagbuo ng isang higit na sinodal na Simbahang Katolika sa Pilipinas.

Pag-ibig, pundasyon ng tunay pakikipagkaibigan

 11,685 total views

Binigyan-diin ng Prior Provincial ng Dominican Province of the Philippines Father Filemon Dela Cruz Jr., O.P – , ang ‘pag-ibig’ bilang pundasyon ng tunay na pakikipagkaibigan at matatag na ugnayan ng bawat mananampalataya sa kaniyang mensahe para sa 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) sa University of Santo Tomas.

Ito ay sa kaniyang pagninilay sa session ng “Confessio Peccati et Laudis: Healing and Nurturing Relationships,” na nakatuon sa pagpapanumbalik at pagpapatibay ng mga ugnayan.

Ayon kay Fr. dela Cruz, ang tunay na pagkakaibigan ay nakaugat sa pag-ibig na nag-uudyok sa tao na pahalagahan, ingatan, at alagaan ang kapwa.

Iginiit niyang ang pagmamahal ay hindi lamang damdamin kundi isang desisyon na kilalanin ang dignidad at kahalagahan ng bawat tao, na siyang nagpapatatag sa mga ugnayang humuhubog sa pamayanan ng pananampalataya.

“Friendship is friendship in love, kaya kapag ika’y nagmahal, iingatan mo ang halaga ng isang tao pinapahalagahan mo ang taong yan, kaya mahal kita l, mahalaga ka sakin,” ayon sa pagninilay ni Fr.Dela Cruz

Binigyang-diin din ng pari na ang pagpapahalaga sa kapwa ay nagiging daan upang mapagaling ang mga nasirang relasyon at makabuo ng mga pamayanang nagkakaisa sa diwa ng pakikinig, pag-unawa, at pagmamalasakit. dahil ang tunay na pagkakaibigan ay naipapakita sa konkretong pag-aaruga at patuloy na pag-akay sa isa’t isa tungo sa pag-ibig ni Kristo.

Kaugnay nito, umaasa si Fr. dela Cruz na magsisilbing inspirasyon ang PCNE 2026 upang higit pang mapalalim ang kultura ng pagkakaibigan at pagmamahalan sa loob ng Simbahan, kasabay ng paghahanda ng mga mananampalataya para sa Evangelization 2033, sa pamamagitan ng paghubog ng mga disipulong handang magmahal, maglingkod, at maghatid ng pag-asa sa kapwa.

Pagkakaibigan, mahalagang pundasyon ng sama-samang misyon sa pagpapalaganap ng ebanghelyo- Papal Nuncio sa mananampalataya

 12,905 total views

Binigyang-diin ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown na ang tunay na pagkakaibigan na nakaugat kay Hesukristo ang mahalagang pundasyon ng sama-samang misyon ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo.

Sa kanyang mensahe para sa 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII), sinabi ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas na ang pagkakaibigan ay isa sa pinakadakilang kaloob ng Diyos sa tao, kasunod lamang ng mismong buhay, sapagkat ito ang nagpapatatag sa mga pamayanan at nagbibigay ng tunay na kagalakan at pag-asa.

Ipinaliwanag din ni Archbishop Brown na ang tunay na pagkakaibigan ay hindi nakabatay sa pakinabang o pansariling interes kundi sa kalayaan, kabutihang-loob, at tapat na pagmamahal sa kapwa.

“Friendship is truly one of life’s greatest treasures, next only to the gift of life itself. Even wealth without friends feels empty when compared to the joy of good friendship. Friendship strengthens communities and transforms ordinary connections into lasting happiness. Without it, life becomes incomplete and burdensome. This is not merely because we are social beings, but because friendship is a vital bond rooted in freedom, generosity, and goodwill. Friendship is more than duty or utility.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Brown.

Binigyang-diin din nito ang turo ni San Agustin na ang tunay na kaibigan ay nananatiling tapat sa anumang kalagayan ng buhay.

Ayon kay Archbishop Brown, ang pagkakaibigan ay higit pang nagiging ganap sa pananampalatayang Kristiyano sapagkat ito ay nagiging pakikipagkaisa kay Kristo na humahamon sa mga mananampalataya na sama-samang maglingkod, ipagtanggol ang pananampalataya, at pangalagaan ang pagkakaisa ng Simbahan.

“In our mission as Christians, friendship means communion in Christ. Together we strive for the faith, resist false teachings, and guard against discord,” Dagdag pa ni Archbishop Brown.

Ipinaalala rin ng kinatawan ng Santo Papa na ang sukdulang larawan ng pagkakaibigan ay ipinakita mismo ni Hesus sa pamamagitan ng Kanyang pag-aalay ng buhay para sa Kanyang mga kaibigan.

Kasabay nito ay binati ni Archbishop Brown si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, ang mga obispo, pari, mga nakatalaga sa buhay-relihiyoso, layko, at lalo na ang mga kabataang kalahok sa kumperensya, at hinikayat ang lahat na patuloy na isabuhay ang diwa ng pagkakaibigang nagmumula kay Kristo bilang daan sa masiglang misyon ng ebanghelisasyon.

Isinagawa ang 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) noong Hulyo 24 hanggang 26, 2026 sa University of Santo Tomas sa Maynila na may temang “Sangkay: I Have Called You Friends” (Jn. 15:15), na naglalayong palalimin ang pakikipagkaibigan kay Hesus at paigtingin ang pakikibahagi ng bawat mananampalataya sa misyon ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 66,600 total views

 66,600 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 94,892 total views

 94,892 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 140,823 total views

 140,823 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 173,906 total views

 173,906 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 197,972 total views

 197,972 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily July 19, 2026

 8,751 total views

 8,751 total views 16th Sunday in Ordinary Time Wis 12:13. 16-19 Rom 8: 26-27 Mt 13:24-43 Sa pananaw ng mundo pinapakita ng tao na dahil siya’y

Read More »

Homily July 12, 2026

 16,329 total views

 16,329 total views 15th Sunday in Ordinary Time Is 55:10-11 Rom 8:18-23 Mt 13:1-23 Makapangyarihan ang simbahan. Tumagal siya ng higit na dalawang libong taon. Mula

Read More »

Homily July 5, 2026

 26,934 total views

 26,934 total views 14th Sunday in Ordinary Time Cycle A Zec 9:9-10 Rom 8:9.11-13 Mt 11:25-30 “Hindi na kayo namumuhay ayon sa laman kundi ayon sa

Read More »

Homily June 28, 2026

 35,166 total views

 35,166 total views 13th Sunday in Ordinary Time Cycle A St Peter’s Pence Sunday 2 Kgs 4:8-11.14-16 Rom 6:3-4. 8-11 Mt 10:37-42 Madaling sagutin ang tanong:

Read More »
Scroll to Top