Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

2026 Prayer intentions ni Pope Leo XIV, inilabas na ng Vatican

SHARE THE TRUTH

 3,164 total views

Inilabas ng Worldwide Prayer Network ang opisyal na talaan ng mga panalangin ni Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV para sa taong 2026, na magsisilbing gabay ng Simbahang Katolika sa sama-samang panalangin ng mga mananampalataya sa buong mundo.

Bawat buwan, humihiling ang Santo Papa ng panalangin para sa isang partikular na intensyon na tumutugon sa mahahalagang usapin ng pananampalataya, lipunan, at sangkatauhan. Kalakip ng bawat intensyon ang isang video message ng Santo Papa na nagpapaliwanag kung bakit ito napiling ipagdasal at kung paano ito maiuugnay sa kongkretong pagkilos ng mga mananampalataya.

Para sa buwan ng Enero, hinihikayat ni Pope Leo XIV ang pananalangin upang ang Salita ng Diyos ay maging “pagkain ng ating buhay at bukal ng pag-asa,” bilang tulong sa paghubog ng isang mas maka-kapatiran at misyonerong Simbahan.

Sa Pebrero naman, ipagdarasal ang mga batang may karamdaman na walang lunas, upang sila at ang kanilang mga pamilya ay makatanggap ng sapat na pangangalaga, lakas ng loob, at pag-asa sa kabila ng pagsubok.

Binibigyang-diin ng Santo Papa sa Marso ang panalangin para sa pag-aalis ng mga armas at pagsusulong ng kapayapaan, partikular ang pagwawakas sa mga sandatang nukleyar, at ang pagpili ng mga pinuno ng mundo sa dayalogo at diplomasya sa halip na karahasan.

Kasama rin sa mga intensyon ang panalangin para sa mga paring dumaraan sa krisis sa kanilang bokasyon sa Abril; ang karapatan ng lahat sa sapat at masustansyang pagkain sa Mayo; at ang pagpapahalaga sa isports bilang daan ng kapayapaan, disiplina, at pagkakaisa sa Hunyo.

Para sa ikalawang bahagi ng taon, ipinananalangin ng Santo Papa ang paggalang sa buhay ng tao sa lahat ng yugto sa buwan ng Hulyo; ang paghahanap ng mga bagong paraan ng ebanghelisasyon sa mga lungsod sa Agosto; at ang makatarungan at napapanatiling pangangalaga sa tubig bilang mahalagang yaman ng sangkatauhan sa Setyembre.

Sa Oktubre, nananawagan si Pope Leo XIV ng panalangin para sa pagtatatag ng mental health ministry sa buong Simbahan, upang mapawi ang stigma at diskriminasyon laban sa mga taong dumaranas ng sakit sa pag-iisip at mapalakas ang pastoral na pag-aaruga sa kanila.

Para naman sa Nobyembre, hinihikayat ang panalangin para sa wastong paggamit ng yaman ng mundo, upang ito’y maglingkod sa kabutihang panlahat at higit na makinabang ang mga mahihirap at nangangailangan. Sa Disyembre, ipagdarasal ang mga pamilyang single-parent, upang sila ay makatagpo ng suporta, pag-unawa, at lakas sa pananampalataya sa loob ng Simbahan.

Sa pamamagitan ng mga taunang intensyong ito, patuloy na inaanyayahan ni Pope Leo XIV ang sambayanang Katoliko na makiisa hindi lamang sa panalangin kundi pati sa konkretong pagkilos para sa isang mundong mas makatao, makatarungan, at puspos ng pag-asa.

Ayon sa Worldwide Prayer Network, may mga pagkakataon ding nagdaragdag ang Santo Papa ng pangalawang hangarin sa pananalangin, lalo na sa mga sitwasyong nangangailangan ng agarang pagtugon, gaya ng mga sakuna at krisis na nararanasan ng iba’t ibang bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 10,540 total views

 10,540 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 27,508 total views

 27,508 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 43,338 total views

 43,338 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 135,670 total views

 135,670 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 153,836 total views

 153,836 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top