Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal Advincula: May Pag-asa ang Pilipinas sa kabila ng krisis at katiwalian

SHARE THE TRUTH

 6,045 total views

Iginiit ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na nananatiling may pag-asa ang Pilipinas at ang sambayanang Pilipino sa kabila ng mga krisis, kalamidad, at mga nabubunyag na katiwalian na patuloy na sumusubok sa bansa.

Sa kanyang homiliya sa pagsasara ng Jubilee Year of Hope ng Archdiocese of Manila noong Disyembre 26 sa Manila Cathedral, binigyang-diin ng arsobispo na ang pag-asang inihahatid ni Hesus—na isinilang para sa sangkatauhan—ay tunay, matatag, at hindi kailanman nabibigo.

“May pag-asa pa ba ang Pilipinas? Ang sagot ng Jubilee Year sa ating lahat ay malinaw na oo, may pag-asa. Sapagkat ang pag-asa ay hindi nagmumula sa pangako ng tao o ideolohiya. Ang pag-asa ay nagmumula lamang sa pangako ng Diyos,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Tinukoy ng arsobispo ang nagdaang taon bilang panahon ng mabibigat na pagsubok para sa mga Pilipino. Habang ipinagdiriwang ng Simbahan ang Taon ng Hubileyo sa temang Pilgrims of Hope, hinarap ng bansa ang sunod-sunod na lindol at bagyo, gayundin ang mga eskandalong may kaugnayan sa malawakang katiwalian.

Ayon kay Cardinal Advincula, hindi madaling panatilihin ang pag-asa sa gitna ng mga pangyayaring lubhang nakaapekto sa buhay, kabuhayan, at maging sa moralidad ng mamamayan. “Kung kailan tayo nagninilay sa pag-asa, doon naman tayo humarap sa napakaraming hadlang. Hindi madaling sindihan ang pag-asa, lalo na sa gitna ng mga balitang napakaraming salapi ang ninanakaw at mga proyektong multo at kathang-isip,” ani ng kardinal.

Gayunman, umaasa ang arsobispo na ang Taon ng Hubileyo ay nagbunga ng mas malalim na pagninilay at panibagong sigla ng pananampalataya. Binigyang-diin niya na hindi sapat ang mga pilgrimage at gawaing panrelihiyon kung hindi naman ito humahantong sa tunay na pagbabago ng buhay.

Hinamon ni Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na suriin ang kanilang sarili kung lumalim ba ang paniniwala na si Hesus lamang ang tunay na sandigan, at hindi ang mga mapanlinlang na pangako ng tao. “We are not just pilgrims of hope. We must become hope. Kung hindi, ang taong ito ay mauuwi lamang sa sunod-sunod na gawain na hindi nagbabago ng puso,” diin niya.

Hinimok din ng arsobispo ang sambayanan na pahalagahan at pagyamanin ang biyayang tinamo sa Taon ng Hubileyo, at ibahagi ito sa kapwa. Tinukoy niya ang kapanganakan ni Hesus sa payak na sabsaban bilang malinaw na sagisag ng pag-asang sumisilang maging sa pinakamadilim na karanasan ng tao.

“Kung nasaan ang karukhaan at kahirapan, doon isisilang ang pag-asa. Doon sisikat ang liwanag. Huwag nating sayangin ang biyaya ng Hubileyo—mamuhay tayo nang naiiba at maging saksi ng pag-asa,” dagdag ni Cardinal Advincula.

Bagama’t pormal nang isinara ng Archdiocese of Manila ang Jubilee Year of Hope, inaanyayahan ng arsobispo ang mga mananampalataya na ipagpatuloy ang pagkakaisa sa paglalakbay ng pananampalataya, habang inihahanda ng Simbahan ang Jubilee of Redemption sa 2033, ang ika-2000 anibersaryo ng pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesukristo.

Bago ang closing Mass, nagsagawa ang arkidiyosesis ng Camino ng Pag-asa, kung saan nagprusisyon ang mga mananampalataya mula sa Villa Immaculada sa Intramuros patungong Manila Cathedral. Kinilala rin ang mga itinalagang jubilee churches na nagsilbing sentro ng pagbubuklod ng iba’t ibang sektor ng lipunan at pagtugon sa kanilang pastoral at espiritwal na pangangailangan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 57,813 total views

 57,813 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 74,781 total views

 74,781 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 90,611 total views

 90,611 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 182,372 total views

 182,372 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 200,538 total views

 200,538 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top