Cardinal Advincula: Ang Pasko ay paanyaya sa pagtitiwala at pag-asa kay Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 85,762 total views

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na buong pusong magtiwala kay Hesus na isinilang, sapagkat Siya ang sandigan at pag-asa ng bawat isa sa gitna ng mga hamon at kawalang-katiyakan ng kasalukuyang panahon.

Ito ang binigyang-diin ng arsobispo sa kanyang homiliya sa Missionaries of Charity sa Tondo, Maynila, kasabay ng taunang gift giving na dinaluhan ng mahigit 200 street dwellers bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Hinamon ni Cardinal Advincula ang lahat na tularan ang mga anghel sa unang Pasko na buong tapang at galak na ipinahayag sa mundo ang pagsilang ng Bugtong na Anak ng Diyos, sa kabila ng takot at kaguluhan ng panahong iyon.

Kinilala rin ng cardinal ang mga hirap, takot, at kawalang-katiyakang kinakaharap ng marami dahil sa iba’t ibang suliraning panlipunan. Ayon sa kanya, mahalagang matutong makinig sa tinig ng Diyos na patuloy na gumagabay sa sangkatauhan patungo kay Hesus, lalo na sa mga panahong mabigat at tila magulo ang mundo.

“Batid ng Diyos na ang mundong sinilangan ng Kanyang Anak ay balisa, nabibigatan, at pagod. Tunay nga, ang Pasko ay nagsisimula sa pagpapatibay ng loob. At ngayon, sinasabi Niya sa atin: ‘Huwag kayong matakot,’” pahayag ni Cardinal Advincula.

Dagdag pa ng arsobispo, ang kasalukuyang panahon ay punô ng panganib at pangamba, habang ang kinabukasan ay nananatiling hindi tiyak dahil sa mga krisis na direktang nakaaapekto sa buhay ng tao. Gayunman, iginiit niyang hindi dapat manaig ang takot, sapagkat ang diwa ng Pasko ay si Emmanuel—ang Diyos na patuloy na kasama ng tao sa bawat yugto ng paglalakbay sa buhay.

“Sa Pasko, pinili ng Diyos na makilala hindi sa kapangyarihan o karangyaan, kundi sa kababaan, karukhaan, at kahinaan ng isang sanggol. Pinapalakas tayo ng Pasko upang maging presensyang nagbibigay-lakas ng loob, pumapawi ng takot, at naghahatid ng kapanatagan sa gitna ng mga alalahanin,” ani ng cardinal.

Sa diwa ng Taon ng Hubileyo, patuloy na hinikayat ni Cardinal Advincula ang bawat isa na maging daluyan ng pag-asa sa kapwa, sapagkat may mga pagkakataong ang tao mismo ang nagiging kongkretong tanda ng presensya ng Diyos na nakikita at nararanasan ng iba.

Umaasa ang arsobispo na ang lahat ay maging tulad ng mga anghel ng Pasko—nagpapalakas ng loob kapag laganap ang takot, nagbibigay ng tanda kapag tila hindi nadarama ang presensya ng Panginoon, at patuloy na lumuluwalhati sa Diyos upang unti-unting manaig ang kapayapaan sa mga pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 36,211 total views

 36,211 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 42,340 total views

 42,340 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 72,482 total views

 72,482 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 92,315 total views

 92,315 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 111,699 total views

 111,699 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top