Cardinal Advincula: May Pag-asa ang Pilipinas sa kabila ng krisis at katiwalian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 64,279 total reads

Iginiit ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na nananatiling may pag-asa ang Pilipinas at ang sambayanang Pilipino sa kabila ng mga krisis, kalamidad, at mga nabubunyag na katiwalian na patuloy na sumusubok sa bansa.

Sa kanyang homiliya sa pagsasara ng Jubilee Year of Hope ng Archdiocese of Manila noong Disyembre 26 sa Manila Cathedral, binigyang-diin ng arsobispo na ang pag-asang inihahatid ni Hesus—na isinilang para sa sangkatauhan—ay tunay, matatag, at hindi kailanman nabibigo.

“May pag-asa pa ba ang Pilipinas? Ang sagot ng Jubilee Year sa ating lahat ay malinaw na oo, may pag-asa. Sapagkat ang pag-asa ay hindi nagmumula sa pangako ng tao o ideolohiya. Ang pag-asa ay nagmumula lamang sa pangako ng Diyos,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Tinukoy ng arsobispo ang nagdaang taon bilang panahon ng mabibigat na pagsubok para sa mga Pilipino. Habang ipinagdiriwang ng Simbahan ang Taon ng Hubileyo sa temang Pilgrims of Hope, hinarap ng bansa ang sunod-sunod na lindol at bagyo, gayundin ang mga eskandalong may kaugnayan sa malawakang katiwalian.

Ayon kay Cardinal Advincula, hindi madaling panatilihin ang pag-asa sa gitna ng mga pangyayaring lubhang nakaapekto sa buhay, kabuhayan, at maging sa moralidad ng mamamayan. “Kung kailan tayo nagninilay sa pag-asa, doon naman tayo humarap sa napakaraming hadlang. Hindi madaling sindihan ang pag-asa, lalo na sa gitna ng mga balitang napakaraming salapi ang ninanakaw at mga proyektong multo at kathang-isip,” ani ng kardinal.

Gayunman, umaasa ang arsobispo na ang Taon ng Hubileyo ay nagbunga ng mas malalim na pagninilay at panibagong sigla ng pananampalataya. Binigyang-diin niya na hindi sapat ang mga pilgrimage at gawaing panrelihiyon kung hindi naman ito humahantong sa tunay na pagbabago ng buhay.

Hinamon ni Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na suriin ang kanilang sarili kung lumalim ba ang paniniwala na si Hesus lamang ang tunay na sandigan, at hindi ang mga mapanlinlang na pangako ng tao. “We are not just pilgrims of hope. We must become hope. Kung hindi, ang taong ito ay mauuwi lamang sa sunod-sunod na gawain na hindi nagbabago ng puso,” diin niya.

Hinimok din ng arsobispo ang sambayanan na pahalagahan at pagyamanin ang biyayang tinamo sa Taon ng Hubileyo, at ibahagi ito sa kapwa. Tinukoy niya ang kapanganakan ni Hesus sa payak na sabsaban bilang malinaw na sagisag ng pag-asang sumisilang maging sa pinakamadilim na karanasan ng tao.

“Kung nasaan ang karukhaan at kahirapan, doon isisilang ang pag-asa. Doon sisikat ang liwanag. Huwag nating sayangin ang biyaya ng Hubileyo—mamuhay tayo nang naiiba at maging saksi ng pag-asa,” dagdag ni Cardinal Advincula.

Bagama’t pormal nang isinara ng Archdiocese of Manila ang Jubilee Year of Hope, inaanyayahan ng arsobispo ang mga mananampalataya na ipagpatuloy ang pagkakaisa sa paglalakbay ng pananampalataya, habang inihahanda ng Simbahan ang Jubilee of Redemption sa 2033, ang ika-2000 anibersaryo ng pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesukristo.

Bago ang closing Mass, nagsagawa ang arkidiyosesis ng Camino ng Pag-asa, kung saan nagprusisyon ang mga mananampalataya mula sa Villa Immaculada sa Intramuros patungong Manila Cathedral. Kinilala rin ang mga itinalagang jubilee churches na nagsilbing sentro ng pagbubuklod ng iba’t ibang sektor ng lipunan at pagtugon sa kanilang pastoral at espiritwal na pangangailangan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 19,433 total reads

 19,433 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 39,343 total reads

 39,343 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 78,988 total reads

 78,988 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 113,116 total reads

 113,116 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 169,521 total reads

 169,521 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top