2026 national budget, nilagdaan ni PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 57,451 total views

Pormal nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang PHP6.793 trillion National budget para sa taong 2026.

Ginanap ang paglagda sa General Appropriations Act (GAA) para sa fiscal year 2026 sa Ceremonial Hall ng Malacañang.

Kabilang sa mga dumalo sina Senate President Vicente Sotto III, House Speaker Faustino Dy III, Executive Secretary Ralph Recto at ilang miyembro ng Senado at Kamara.

Pinakamalaking pinaglaanan ng pondo ng bansa ang sektor ng edukasyon na nagkakahalga ng P1.34 T; sinundan ng health sector, na may P448-billion, agrikultura sa P297-billion, at social services na nagkakahalaga ng P270-billion.

Ang nilagdaang pambansang budget ay bunga rin ng kauna-unahang ‘open’ bicameral conference meeting ng Kongreso, na tumalakay sa mga probisyong hindi pinagkakasunduan ng dalawang kapulungan.

Kaugnay nito, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bineto niya ang P92.5 bilyon, o 38 porsiyento, ng kabuuang P243.4 bilyon na unprogrammed appropriations sa 2026 national budget.

“We acknowledge the support of Congress in limiting the unprogrammed appropriations to essential needs. However, I push further and reduce it to the absolute bare minimum. This shall be at the level lowest since 2019,” ayon sa Pangulo.

Ayon sa Pangulo, “Lastly, to ensure that public funds are expended in clear service of national interest, I vetoed several items of appropriations with their purposes and corresponding special provisions under the UA, totaling almost P92.5 billion.”

Dahil dito, umabot na lamang sa P150.9 bilyon ang unprogrammed appropriations ngayong taon, mas mababa kumpara sa P531.67 bilyon noong nakaraang taon.

Ayon sa Pangulo, ito na ang pinakamababang halaga ng unprogrammed appropriations mula pa noong 2019.

Binigyang-diin ni Marcos na ang unprogrammed appropriations ay hindi maaaring ituring na tsekeng walang limitasyon at hindi papayagan ang maling paggamit nito o ang pagtrato rito bilang alternatibong daan para sa discretionary spending.
Samantala, iginiit ng mga bantay-budget at watchdog groups na ang unprogrammed appropriations ay maituturing na anino ng pork barrel, dahil hindi ito saklaw ng regular budget at maaaring mailabas na may limitadong pananagutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 24,085 total views

 24,085 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 74,099 total views

 74,099 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 69,968 total views

 69,968 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 105,749 total views

 105,749 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 113,011 total views

 113,011 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top