Binyag, panawagan sa mga kristiyano na makiisa sa misyon ni Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,204 total reads

Binigyang-diin ni Taytay Bishop Broderick Pabillo na ang binyag ay hindi lamang seremonyang panrelihiyon kundi malinaw na panawagan sa mga Kristiyano na makiisa sa misyon ni Hesus tulad ng pagsusulong ng katarungan at pagmamalasakit sa kapwa.

Sa kanyang homiliya sa Kapistahan ng Pagbibinyag ng Panginoon, ipinaliwanag ng obispo na bagamat walang kasalanan si Hesus, pinili nitong magpabinyag bilang tanda ng pakikiisa sa makasalanang kalagayan ng tao.

Ayon kay Bishop Pabillo, ang binyag ni Hesus ay nagsilbing simula ng kanyang misyon para sa mundo.

“Ang ating binyag ay hindi lang ang pagtanggal ng ating kasalanan. Ito ay ang simula ng ating misyon na makiisa sa misyon ni Jesus,” ayon kay Bishop Pabillo.

Ipinaliwanag din ni Bishop Pabillo na sa pagbibinyag kay Hesus sa Ilog Jordan, hindi si Hesus ang nilinis ng tubig kundi ang tubig ang binigyan ng kapangyarihang maglinis ng kasalanan ng tao sa pamamagitan ng sakramento ng binyag.

“Hindi siya ang nilinis ng tubig, pero ang tubig ang binigyan niya ng kapangyarihan na maglinis ng ating kasalanan,” ani Bishop Pabillo.

Binigyang-diin ng obispo ang uri ng katarungang isinasabuhay ni Hesus na isang katarungang hindi marahas kundi mapagkalinga at mahinahon.

Dagdag pa ng obispo, ang misyon ni Hesus ay malinaw na nakatuon sa mga naaapi at isinasantabi ng lipunan kabilang ang mga dukha.

Hinamon naman ni Bishop Pabillo ang mga mananampalataya na suriin ang kanilang katapatan sa binyag sa gitna ng kasalukuyang kalagayan ng lipunan.

Nanawagan din siya ng konkretong pagkilos upang maging liwanag sa mundong binabalot ng alitan at kawalan ng malasakit.

“Hanggang ngayon natutuwa pa rin ba ang Diyos sa atin? Nananatili ba tayong tapat sa ating binyag? Madilim ang mundo dahil sa alitan. Dalhin natin ang liwanag ng pagmamalasakit sa kapwa,” ani Bishop Pabillo.

Binigyang-diin ng obispo na tulad ni Hesus, ang bawat binyagan ay may misyon, ang makiisa sa gawain ng Panginoon sa pagpapanibago ng lipunan sa pamamagitan ng kabutihan, katarungan, at malasakit sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 37,381 total reads

 37,381 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 123,142 total reads

 123,142 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 169,880 total reads

 169,880 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 217,752 total reads

 217,752 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 319,942 total reads

 319,942 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top