Pulitika para sa pamilya?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 294,286 total reads

Mga Kapanalig, pabor ka bang ipagbawal na ang mga political dynasties?

Sa survey na ginawa ng Pulse Asia isang linggo bago mag-Pasko, lumabas na 54% ng mga Pilipino ang sumusuporta sa pagbabawal sa mga magkakapamilya sa pulitika. Sa tanong kung sang-ayon sila sa pangungusap na “Dapat magpasá ang Kongreso ng batas na magbabawal sa political dynaties”, 21% ang nagsabing sobrang sang-ayon o “very much agree” sila. Nasa 33% naman ang bahagyang sang-ayon o “somewhat agree.” Samantala, 27% ang hindi makapagbigay ng sagot o “undecided.” Kapag pinagsama naman ang mga bahagyang hindi sang-ayon o “somewhat disagree” at ang mga sobrang hindi sang-ayon o “very much disagree,” binubuo nila ang 18%.

Kung hahatiin ang resulta base sa mga rehiyon, Metro Manila ang may pinakamalaking bahagdan ng mga sang-ayon sa pagsasabatas ng isang anti-political dynasty bill—nasa 69% o halos pito sa sampung taga-Metro Manila. Parehong 59% naman ang bahagdan ng mga sumang-ayon sa Luzon at Visayas. Sa Mindanao, 34% lamang ang mga pabor sa ganitong batas; sa rehiyon ding iyon pinakamalaki ang mga tutol na nasa 27%.

Ano naman ang kinalabasan ng survey batay sa socio-economic classes o antas ng pamumuhay? Para sa mga nasa tinatawag na class C o middle class—silang mga nakagiginhawa sa buhay—43% ang nagsabing sang-ayon silang isabatas ang pagbabawal sa political dynasties. Sa mga nasa lower-middle class—nakagiginhawa at hindi naman mahirap—57% ang pabor. Wala pa sa kalahati—o 47%—sa mga nasa class E o mahihirap ang gustong mawala na ang mga political dynasties sa pamamagitan nga ng isang batas.

Sabi ni Cardinal Ambo David ng Kalookan, positibong katangian nating mga Pilipino ang pagiging malapít sa ating pamilya. Pero may mga pamilyang isinasabuhay ito sa maling paraan. Sa sobrang pagpapahalaga sa kanilang pamilya, kinakasangkapan nila ang pulitika na para bang pamanang ipinapasa ng mga magulang sa kanilang mga anak at iba pang kapamilya. Ginagawa nilang negosyo ng kanilang angkan ang pulitika. Ginagawa nilang pribadong pagmamay-ari ang pampublikong posisyon. Ginagawa nilang karapatan ang kapangyarihang dapat ginagamit para sa kapakanan ng mga mamamayan. Kapag nangingibabaw ang ganitong mga pamilya, unti-unti ding nasisira ang bayan.

Ito rin kaya ang pananaw ni Pangulong Bongbong Marcos nang atasan niya noong Disyembre ang Kongreso na magpasá ng isang anti-political dynasty bill? Alam naman nating galing siya sa isang angkan ng mga pulitiko, at marami siyang kapamilya at kamag-anak na nasa posisyon, kaya may mga nagtataka kung bakit siya biglang pumabor sa ganitong batas. Paliwanag ng kanyang tagapagsalita, gusto raw ni PBBM na matigil na ang pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga political dynasties. Sa pamamagitan din daw ng ganitong batas, lalakas ang karapatan ng mga Pilipinong pumili ng kanilang mga lider batay sa kakayahan, hindi sa pangalan.

Talaga ba?

Kontra sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan ang pamamayagpag ng mga political dynasties. Labag ito sa pagiging isang marangal na bokasyon ng pulitika—sa halip na paglingkuran ang taumbayan, pamilya ang nakikinabang sa kapangyarihan. Inaalis ng political dynasties ang patas na pagkakataon para sa tunay na pamumuno sa pamahalaan. Nagiging sanhi rin ang mga political dynasties ng kasakimang sumisira sa mabuting layunin ng pulitika. Tandaan nating umiiral ang pulitika para sa common good—sa kabutihang panlahat—na mahalaga para makamit ng bawat isa sa atin ang ating kaganapan at dignidad bilang mga tao.

Mga Kapanalig, abangan natin kung ngayong 2026 ay magkakaroon na tayo ng isang batas na magbabawal sa political dynasties. Sa ating panalangin para sa mga mambabatas, gamitin natin ang nasasaad sa 1 Mga Hari 3:9: bigyan nawa sila ng “karunungang kailangan sa pamamahala at kakayahang kumilala ng mabuti sa masama.”

Sumainyo ang katotohanan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 14,424 total reads

 14,424 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 31,172 total reads

 31,172 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 71,281 total reads

 71,281 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 105,408 total reads

 105,408 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 161,814 total reads

 161,814 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 31,174 total reads

 31,174 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 71,282 total reads

 71,282 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 105,409 total reads

 105,409 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 161,815 total reads

 161,815 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top