Cease and desist order, hiling ng Diocese of Bayombong laban sa Woggle mining corporation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,041 total reads

Mariing nanawagan ang Diyosesis ng Bayombong sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan na agarang magpalabas ng Cease and Desist Order laban sa isinasagawang mining exploration ng Woggle Mining Corporation sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Ito ay kasabay ng kasalukuyang pagpapatupad ng Writ of Preliminary Injunction sa barikada sa Barangay Bitnong na nag-uutos sa mga residente na gibain ang kanilang barikada sang-ayon sa mining company.

Ayon sa diyosesis, ang nasabing hakbang ay isang seryosong banta sa patuloy na pagtatanggol ng komunidad sa buhay, lupa, at kalikasan.

“The Bishop and the entire Diocese once again call on public officials—who are entrusted with authority and solemnly bound to defend and protect the common good—to intervene immediately and decisively. The situation demands action, not delay; courage, not silence,” pahayag ng Diyosesis ng Bayombong.

Noong January 9, 2026, kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Poong Jesus Nazareno, nagsumite ng pormal na apela si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao sa tanggapan nina Nueva Vizcaya Governor Jose Gambito at Dupax del Norte Mayor Paolo Cayton.

Sa kanyang liham, hinimok ng obispo ang mga opisyal na maglabas ng Cease and Desist Order laban sa operasyon ng Woggle Mining Corporation.

Layunin ng panawagan na bigyang-daan ang isang patas at masusing imbestigasyon, mapangalagaan ang karapatan ng mga residente, at maiwasan ang posibleng pinsala sa kalikasan at mga paglabag sa karapatang pantao.

Nagpadala rin ng magkakahiwalay na apela ang diyosesis kina Vice Governor Eufemia Dacayo at sa Sangguniang Panlalawigan, gayundin kina Vice Mayor RR Asuncion at sa Sangguniang Bayan ng Dupax del Norte, upang suportahan ang panawagan at manindigan sa panig ng mga apektadong komunidad.

“We are now awaiting their urgent and public response. At this critical moment, we call on our leaders to choose the people over profit, justice over expediency, and life over destruction,”  saad ng Diyosesis.

Kasabay nito, hinikayat ng diyosesis ang mga mananampalataya, civil society organizations, environmental defenders, at lahat ng mamamayan na manatiling mapagmatyag, magsalita, at patuloy na makiisa sa mga komunidad ng Barangay Bitnong.

Giit ng Diyosesis ng Bayombong, ang usapin ng pagmimina sa Dupax del Norte ay hindi lamang isang lokal na usapin kundi isang moral at panlipunang pananagutan na dapat harapin ng lahat.

“Let us remain united. Let us stand firm for the land, the people, and the future,” giit ng diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 42,576 total reads

 42,576 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 127,940 total reads

 127,940 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 174,677 total reads

 174,677 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 222,549 total reads

 222,549 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 324,547 total reads

 324,547 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,321 total reads

 169,321 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top