Pagtugon sa krisis sa kalikasan, kahirapan at pamamahala, panawagan ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,994 total reads

Pinangunahan ng development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang panawagan para sa mas malalim at sama-samang pagtugon sa krisis sa kalikasan, kahirapan, at pamamahala.

Ito ay sa pamamagitan ng tatlong araw na pagtitipon sa University of Santo Tomas mula January 14-16, 2026, kaugnay ng palulunsad sa Hayuma: Mending the Broken, na naglalayong pagdugtungin ang ekolohiya, ekonomiya, at karapatang pantao.

Ayon sa Caritas Philippines, ang hayuma—salitang Bisaya na tumutukoy sa kolektibong pag-aayos ng napunit na lambat ng mangingisda—ay sumasagisag sa paraan ng pagtugon ng Simbahan sa mga pamayanang paulit-ulit na naaapektuhan ng sakuna.

Binigyang-diin ng institusyon na ang mga kalamidad ay hindi hiwalay sa mas malalim na suliranin ng bansa.

“Disasters reveal not only broken houses and damaged livelihoods, but broken systems of protection, decision-making, and care. When governance fails, when economic life is fragile or unjust, and when the environment is treated as expendable, the net tears early and repeatedly, especially for the poor and themarginalized,” ayon sa Caritas Philippines.

Nakaugat ang Hayuma sa matagal nang paninindigan ng Simbahan sa integral ecology, mula sa Asilo Conference noong 2015 hanggang sa mga direktiba ng CBCP na humihikayat ng ecological conversion, divestment mula sa mapaminsalang industriya, at pagtataguyod ng zero-waste at renewable energy sa mga institusyon ng Simbahan.

Sa ilalim ng Laudato Si’ Convergence, katuwang ng Caritas Philippines ang 13 komisyon ng CBCP at iba’t ibang organisasyong panlipunan upang tiyaking ang mga diyosesis at komunidad ay hindi lamang tagatanggap ng tulong, kundi aktibong kalahok sa pagdedesisyon at pangangalaga sa kalikasan.

Iginiit ng Caritas Philippines na hindi sapat ang agarang relief at rehabilitation kung hindi tutugunan ang ugat ng kahinaan ng mga komunidad.

“Hayuma calls us not only to recovery, but also to mitigation and prevention. To hayuma is to strengthen the net before it tears again. It means addressing the conditions that place communities at risk, including environmental degradation, economic systems that leave people behind, and governance that excludes communities from decisions affecting their lives,” giit ng institusyon .

Sinabi ng Caritas Philippines na ang ekonomiya ay dapat maglingkod sa buhay at dignidad ng tao, sapagkat hindi maaaring isakripisyo ang kalikasan at ang mahihirap sa ngalan ng paglago.

“The future is woven slowly, collectively, and responsibly, people, peace, livelihood, and the earth, thread by thread, together,” ayon sa Caritas Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 45,451 total reads

 45,451 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 130,816 total reads

 130,816 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 177,552 total reads

 177,552 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 225,424 total reads

 225,424 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 327,274 total reads

 327,274 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,441 total reads

 169,441 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top