Pagnilayan ang habag ng mabuting Samaritano, panawagan ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,141 total reads

Inanyayahan ng Kanyang Kabanalan Leon XIV ang mga mananampalataya na pagnilayan ang habag ng Mabuting Samaritano at isabuhay ang pag-ibig sa pamamagitan ng pakikibahagi sa karamdaman ng kapwa.

Ito ang mensahe ng Santo Papa para sa 34th World Day of the Sick na ipagdiriwang sa February 11, 2026 sa Chiclayo, Peru.

Sa temang “The compassion of the Samaritan: loving by bearing another’s pain,” binigyang-diin ni Pope Leo XIV na ang larawan ng Samaritano ay nananatiling mahalaga upang muling matuklasan ang kagandahan ng kawanggawa at ang panlipunang aspekto ng malasakit, lalo na sa mga maysakit at nagdurusa.

Aniya, ang tunay na pag-ibig ay hindi nananatiling tahimik kundi lumalapit, humihinto, at kumikilos, sa gitna ng kultura ng pagmamadali at kawalang-pakialam na humahadlang sa tao upang pansinin ang karamdaman ng kapwa.

“We live immersed in a culture of speed, immediacy and haste – a culture of ‘discard’ and indifference that prevents us from pausing along the way and drawing near to acknowledge the needs and suffering that surround us,” ayon kay Pope Leo XIV.

Iginiit ng Santo Papa na ang pangangalaga sa mga maysakit ay hindi lamang personal na tungkulin kundi isang misyon ng buong Simbahan, kung saan may mahalagang gampanin ang pamilya, komunidad, mga health workers, at mga pastoral workers.

Bilang dating misyonero at obispo sa Peru, ibinahagi ni Pope Leo XIV ang kanyang karanasan sa mga taong araw-araw na naglilingkod sa mga nagdurusa, na ayon sa kanya, ay nagiging kongkretong kilos at panlipunang pagpapakita ng habag.

“I referred to the care of the sick not only as an ‘important part’ of the Church’s mission, but as an authentic ‘ecclesial action’,” saad ng Santo Papa.

Iginiit ng punong pastol ng Simbahang Katolika na ang lunas sa sugat ng sangkatauhan ay nagmumula sa pag-ibig ng Diyos na isinasabuhay sa kapwa.

Ipinagkaloob din ni Pope Leo XIV ang Apostolic Blessing sa lahat ng maysakit, kanilang pamilya, at sa mga health workers at pastoral caregivers sa buong mundo.

Prayer of Pope Leo XIV to the Blessed Virgin Mary, Health of the Sick:

“Sweet Mother, do not part from me.
Turn not your eyes away from me.
Walk with me at every moment
and never leave me alone.
You who always protect me
as a true Mother,
obtain for me the blessing of the Father,
Son and Holy Spirit.”

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 77,771 total reads

 77,771 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 172,501 total reads

 172,501 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 216,769 total reads

 216,769 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 239,878 total reads

 239,878 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 311,510 total reads

 311,510 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,736 total reads

 146,736 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top