Mamamayan, binalaan ng Radyo Veritas sa pagnanakaw ng isang bogus YouTube channel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,711 total reads

Nagbabala ang pamunuan ng Radyo Veritas laban sa isang YouTube channel na Nazareno Online Mass PH na kumukuha at muling nag-i-stream ng mga healing Mass ng himpilan nang walang pahintulot.

Ayon kay Fr. Roy Bellen, Pangulo ng Radyo Veritas, bagama’t patuloy na pinaiigting ng Simbahang Katolika ang digital evangelization lalo na sa pagbabahagi ng mga banal na misa at pananalangin online, mahalagang matiyak na ang mga ito ay nagmumula lamang sa lehitimo at opisyal na social media pages ng mga parokya, diyosesis, at kinikilalang Catholic institutions.

Pinuna ni Fr. Bellen ang nasabing YouTube channel dahil bukod sa pagkuha lamang ng mga misa mula sa opisyal na streaming platforms ng Radyo Veritas, ay nangangalap din ito ng donasyon na maaaring magdulot ng kalituhan at panlilinlang sa mga mananampalataya.

“Please beware regarding the growing presence of unauthorized and bogus YouTube channels that falsely present themselves as legitimate Catholic pages and stream Masses without ecclesiastical permission or proper accountability. In some instances, these channels solicit monetary donations, potentially misleading the faithful and exploiting their generosity,” ayon kay Fr. Bellen.

Batay sa pagsusuri, nagsimula ang nasabing YouTube channel noong June 3, 2021 at kasalukuyang may humigit-kumulang 287-libong subscribers, na karamihan sa mga content ay mula sa Veritas PH channel ng himpilan.

Dahil dito, hinimok ni Fr. Bellen ang publiko na maging mapanuri sa mga religious content na napapanood online at tiyaking ang mga ito ay nagmumula sa mga opisyal at beripikadong social media pages ng Simbahan.

“We therefore urge the public to exercise prudence and vigilance in engaging with online religious content,” ani Fr. Bellen.

Dagdag pa ng pari, ang mga lehitimong Catholic channels ay malinaw na tinutukoy ang kanilang kinabibilangang parokya o diyosesis at sumusunod sa mga pamantayan ng pananagutan at transparency, lalo na sa usapin ng pangangalap ng donasyon.

Kung may pagdududa, pinapayuhan ang mga mananampalataya na kumonsulta sa mga opisyal na website ng Simbahan o sa mga beripikadong social media pages.

Ang mga misa ng Radyo Veritas ay mapapanuod sa Veritas TV Sky Cable 211; Veritas TV Cebu 47.1; Facebook pages na DZRV 846 at Veritas PH; gayundin sa official YouTube channel ng himpilan na Veritas PH.

Sa mga nagnanais maging bahagi ng Eucharistic Advocate ng himpilan maaring makipag-ugnayan kay Renne Jose ng Religious Department sa (02) 8925 – 7931 locals 129, 131, at 137 o mag-text sa 09176314589.

Tiniyak ni Fr. Bellen na mananatiling bukas ang Radyo Veritas sa paggamit ng digital platforms para sa ebanghelisasyon sa pamamagitan ng mga misa, panalangin, nobena, at iba pang gawaing espiritwal, kasabay ng pangangalaga sa integridad ng pagsamba at pagprotekta sa mga mananampalataya laban sa iba’t ibang anyo ng panlilinlang, lalo na sa online na espasyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 10,214 total reads

 10,214 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 62,808 total reads

 62,808 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 110,680 total reads

 110,680 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 214,628 total reads

 214,628 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 300,146 total reads

 300,146 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top