Special bond sa pagitan National Shrine of Our Lady of the abandoned at Real Basilica de Nuestra Señora de los Desamparados, itinatatag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,809 total reads

Pormal nang itinatag ang Special Bond of Spiritual Communion sa pagitan ng National Shrine of Our Lady of the Abandoned sa Santa Ana, Manila at ng Real Basílica de Nuestra Señora de los Desamparados sa Valencia, Spain.

Ayon sa pahayag ng National Shrine of Our Lady of the Abandoned na pinangangasiwaan ng mga misyonerong Franciscano ito ay isang makasaysayang tagpo sa mahigit tatlong siglong debosyon na makatutulong sa pagpapatibay ng pananampalataya ng mga mamamayan.

“The formal establishment of a SPECIAL BOND OF SPIRITUAL COMMUNION with the Real Basílica de Nuestra Señora de los Desamparados de Valencia marks a monumental milestone in our centuries-old history,” ayon sa pahayag ng dambana.

Nilagdaan ang kasunduan noong November 11, 2025 sa Valencia at pinagtibay ng matataas na opisyal ng Simbahang Katolika kabilang sina Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Valencia, Spain Archbishop Enrique Benavent Vidal.

Binigyang-diin sa pahayag na ang kasunduan ay hindi lamang seremonyal kundi isang malalim na ugnayang espirituwal.

“This is not merely a document, but a supernatural alliance sanctioned by the highest ecclesiastical authorities,” anila.

Itinuturing ng pambansang dambana na ang ugnayan ay katuparan ng mahabang kasaysayan ng debosyon na nagsimula mahigit 300 taon na ang nakalilipas.

Batay sa kasaysayan taong 1717 nang dinala ni Fr. Vicente Yngles, OFM ang debosyon mula Valencia patungong Santa Ana Manila, kasama ang unang replika ng La Geperudeta na naging simula ng malalim na debosyon ng mga Pilipino sa Mahal na Ina ng mga Inabandona.

Sa kasalukuyan patuloy ang paglago ng debosyon sa Birhen de los Desamparados sa Pilipinas at ang nilagdaang spiritual bond of communion ay higit na magpapatibay sa ugnayan sa pagitan ng dalawang dambana.

“Today, that spiritual seed has blossomed into a formal, eternal union between two nations… By this spiritual union, we reaffirm our vow to serve the marginalized, the mentally ill, and mothers in need—turning faith into living works of love,” ayon sa pahayag.

Inaanyayahan ng National Shrine ang mananampalatayng Pilipino na makibahagi sa pagdiriwang ng makasaysayang ugnayan kasabay ng panawagang ipagdasal ang patuloy na pagkakaisa ng Simbahan sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Ang National Shrine of Our Lady of the Abandoned ay nagsilbing unang misyon ng mga Franciscano noong 1578 at nanatiling matatag makalipas ang ilang siglo sa kabila ng mga kalamidad, digmaan at hamong kinakaharap ng lipunan.

Matatagpuan din sa pambansang dambana ang dalawang National Cultural Treasures, ang Santa Ana Site Museum at ang Camarín de la Virgen.

Pormal na naideklarang national shrine ang parokya noong 2021 makaraang aprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 132,256 total reads

 132,256 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 207,028 total reads

 207,028 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 240,477 total reads

 240,477 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 275,775 total reads

 275,775 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 497,164 total reads

 497,164 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top