Pilipinong Pari, itinalaga ng Santo Papa na Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Perth

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,795 total reads

Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV ang Pilipinong pari na si Fr. Nelson Po bilang auxiliary bishop ng Archdiocese of Perth sa Australia.

Inanunsyo ng Vatican ang appointment noong February 2, kasabay ng Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo.

Si Bishop-elect Po ay kasalukuyang kura paroko ng Saint Benedict’s Parish sa Applecross, na sakop ng Archdiocese of Perth.

Ipinanganak siya noong June 5, 1968 sa Leyte at nagtapos ng industrial engineering sa Leyte Institute of Technology sa Tacloban.

Tinapos niya ang kursong philosophy sa Ateneo de Davao University sa Davao City at theology sa Maryhill School of Theology sa Maynila.

Noong 2003, nagtungo si Bishop-elect Po sa Perth sa imbitasyon ng noo’y Archbishop Barry James Hickey, kung saan ipinagpatuloy niya ang paghuhubog sa pagpapari sa St. Charles Seminary sa Guildford bilang seminarista ng arkidiyosesis.

Naordinahan siyang pari noong Disyembre 9, 2005 para sa Archdiocese of Perth.

Matapos ang ordinasyon, ginampanan niya ang iba’t ibang tungkulin sa arkidiyosesis, kabilang ang pagiging parish vicar sa Kalgoorlie (2006–2008), chaplain ng Royal Perth Hospital (2008–2010), parish priest ng Cloverdale (2010–2016), at kasalukuyang parish priest ng Applecross mula 2016.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 132,251 total reads

 132,251 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 207,023 total reads

 207,023 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 240,472 total reads

 240,472 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 275,770 total reads

 275,770 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 497,159 total reads

 497,159 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top