Tema ng simbahan sa paggunita ng Araw ng mga Nakatatanda: “I Will Never Forget You”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,906 total reads

Pinili ng Santo Papa ang temang “I will never forget you” mula sa aklat ni Propeta Isaias bilang sentrong diwa ng 6th World Day for Grandparents and the Elderly.

Ito ang inanunsyo ng Dicastery for Laity, Family and Life ng Vatican, bilang paghahanda sa taunang pagdiriwang na inilunsad noong 2021 sa ilalim ng pamumuno ng yumaong Pope Francis.

Ipinagdiriwang ang World Day for Grandparents and the Elderly tuwing ika-apat na Linggo ng Hulyo bilang pagpapahayag ng paglalapit ng Simbahan sa mga nakatatanda at pagkilala sa kanilang mahalagang ginampanan sa pamilya at komunidad.

Sa taong ito, nataon ang paggunita sa kapistahan nina San Joaquin at Santa Ana, mga magulang ni Birheng Maria, sa July 26. Inaanyayahan ng Santo Papa ang lahat ng diyosesis na gunitain ito sa pamamagitan ng isang banal na Misa sa kani-kanilang katedral.

Ayon sa Vatican, ang napiling tema ay mensahe ng aliw at pag-asa para sa mga lolo, lola, at matatandang madalas makaranas ng pag-iisa at pakiramdam na sila ay nakalimutan.

Binibigyang-diin ng Santo Papa na ang pag-ibig ng Diyos ay hindi kumukupas—kahit sa kahinaan at pagtanda ng tao. Isang paanyaya ito sa Simbahan at sa buong mundo na kilalanin ang dangal, karunungan, at pananampalatayang dala ng mga nakatatanda.

Hinimok ng Dicastery ang mga lokal na Simbahan, organisasyon, at pamayanang panrelihiyon sa iba’t ibang panig ng mundo na maglunsad ng mga gawaing angkop sa kanilang konteksto upang ipagdiwang ang araw na ito.

Nakatakda ring maglabas ang Vatican ng pastoral guidelines at mga babasahin bilang suporta sa pagdiriwang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,914 total reads

 49,914 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,584 total reads

 129,584 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,031 total reads

 163,031 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,329 total reads

 198,329 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,889 total reads

 422,889 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,213 total reads

 16,213 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top