Clericalism at mediocrity ng mga pari, tinuligsa ni Archbishop Tonel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,033 total reads

Pagkakaisa at pagpapanibago ng Mindanao Priests, ipinagkatiwala ni Archbishop Tonel kay birheng Maria

Binigyang-diin ni Zamboanga Archbishop Julius Tonel na ang synodality ay hindi nakasentro sa pansariling interes ng mga pinuno ng Simbahan kundi isang kongkretong pagsasabuhay ng paglilingkod at pagsunod na kaakibat ng ordenasyon ng mga pari.

Ito ang mensahe ng arsobispo, na kasalukuyang vice president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, sa pagbubukas ng Diocesan Clergy of Mindanao Assembly noong February 10, 2026 sa Archdiocesan Shrine of Our Lady of the Pillar sa Zamboanga City, na dinaluhan ng mahigit 500 pari mula sa 22 ecclesiastical territories sa Mindanao.

“Synodality is not about us. Synodal participation is our response in obedience to the very ministry of service that you, by ordination, are gifted,” pahayag ni Archbishop Tonel.

Ayon sa arsobispo, ang tunay na diwa ng synodality ay nakaugat sa katapatan at pagsunod na humuhubog sa mga pari upang mas epektibong gampanan ang gawaing pagmimisyon at pagpapastol sa sambayanan.

“Obedience demands that we proclaim and teach our faithful to touch the lives of our people in our homilies and to lead Christ’s flock to truth, unity, and justice,” ani ng arsobispo.

Mariin ding tinuligsa ng arsobispo ang clericalism at mediocrity sa hanay ng kaparian, na nagiging hadlang sa pakikinig at aktibong paglilingkod, at nagdudulot ng panghihina ng pananampalataya at pakikilahok ng mga layko.

“Mediocrity, as to lose the passion in active service, is the opposite of obedience. Clericalism and the entire argument lead to a failure of listening,” giit ni Archbishop Tonel.

Binigyang-halaga rin ng arsobispo ang panawagan sa payak na pamumuhay ng mga pari at lingkod ng Simbahan, kasabay ng paalala laban sa labis na pagkahumaling sa materyal na kaginhawaan.

“The joy of our ministry is not in having so much personal wealth, fancy cars, or being comfortable at the rectory… Rather, poverty is the call to simplicity, frugality, honesty, accountability, and fidelity,” ayon sa arsobispo.

Kasabay nito, muling iginiit ni Archbishop Tonel ang panawagan na maging tunay na kanlungan ang Simbahan ng mga dukha at mga naisasantabing sektor ng lipunan, at ang pamumuhay sa kadalisayan, pagsunod, at kahirapan bilang pundasyon ng isang simbahang sinodal.

“Remember, the call for the Church is for all of us to become the Church of the Poor… Chastity, obedience, and poverty are not reserved for religious consecrated life. It is our life. It is our pathway to synodality,” giit ng arosbispo.

Ipinagkatiwala ng arsobispo sa Mahal na Birhen ang pagkakaisa ng kaparian sa Mindanao at ang patuloy na pagpapanibago ng Simbahan sa diwa ng paglilingkod, pakikinig, at paglalakbay na magkakasama bilang Bayan ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,891 total reads

 49,891 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,561 total reads

 129,561 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,008 total reads

 163,008 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,306 total reads

 198,306 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,866 total reads

 422,866 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top