Tema ng simbahan sa paggunita ng Araw ng mga Nakatatanda: “I Will Never Forget You”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,414 total views

Pinili ng Santo Papa ang temang “I will never forget you” mula sa aklat ni Propeta Isaias bilang sentrong diwa ng 6th World Day for Grandparents and the Elderly.

Ito ang inanunsyo ng Dicastery for Laity, Family and Life ng Vatican, bilang paghahanda sa taunang pagdiriwang na inilunsad noong 2021 sa ilalim ng pamumuno ng yumaong Pope Francis.

Ipinagdiriwang ang World Day for Grandparents and the Elderly tuwing ika-apat na Linggo ng Hulyo bilang pagpapahayag ng paglalapit ng Simbahan sa mga nakatatanda at pagkilala sa kanilang mahalagang ginampanan sa pamilya at komunidad.

Sa taong ito, nataon ang paggunita sa kapistahan nina San Joaquin at Santa Ana, mga magulang ni Birheng Maria, sa July 26. Inaanyayahan ng Santo Papa ang lahat ng diyosesis na gunitain ito sa pamamagitan ng isang banal na Misa sa kani-kanilang katedral.

Ayon sa Vatican, ang napiling tema ay mensahe ng aliw at pag-asa para sa mga lolo, lola, at matatandang madalas makaranas ng pag-iisa at pakiramdam na sila ay nakalimutan.

Binibigyang-diin ng Santo Papa na ang pag-ibig ng Diyos ay hindi kumukupas—kahit sa kahinaan at pagtanda ng tao. Isang paanyaya ito sa Simbahan at sa buong mundo na kilalanin ang dangal, karunungan, at pananampalatayang dala ng mga nakatatanda.

Hinimok ng Dicastery ang mga lokal na Simbahan, organisasyon, at pamayanang panrelihiyon sa iba’t ibang panig ng mundo na maglunsad ng mga gawaing angkop sa kanilang konteksto upang ipagdiwang ang araw na ito.

Nakatakda ring maglabas ang Vatican ng pastoral guidelines at mga babasahin bilang suporta sa pagdiriwang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 156,936 total views

 156,936 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 187,159 total views

 187,159 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 213,805 total views

 213,805 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 308,778 total views

 308,778 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 319,580 total views

 319,580 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top