Katotohanan at dignidad ng bayan, iginiit ni Cardinal David sa usapin ng WPS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,981 total reads

Binigyang diin ni dating Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na ang usapin ng soberenya sa nagpapatuloy na tensyon sa West Philippine Sea ay hindi lamang usaping pampulitika kundi isang malalim na usaping moral at pastoral.

Sa ibinahaging mensahe ng Obispo sa pamamagitan ng kanyang official Facebook page na pinamagatang “David and Goliath” ay muling nagpahayag ng paninindigan si Cardinal David para sa katotohanan at dignidad ng bayan.

Pagbabahagi ng Cardinal, sa kabila ng kanyang misyon sa iba’t ibang bansa sa mga nakalipas na linggo mula Rome, Belguim at Jakarta, Indonesia at patuloy niyang sinusubaybayan ang mga pangyayari kaugnay ng sitwasyon sa West Philippine Sea.

“While abroad the past two weeks—Rome, Belgium, and Jakarta—I continued to follow the news on the West Philippine Sea,” Ayon kay Cardinal David.

Partikular na pinasalamatan ni Cardinal David ang paninindigan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa pagkilala kay Commodore Jay Tarriela sa pamamagitan ng makapangyarihang liham nito na nagbibigay pugay sa tapang at determinasyon ng opisyal na ipagtanggol ang karagatang saklaw ng bansa.

“I wish to affirm and thank Archbishop Socrates B. Villegas for his powerful letter commending Commodore Jay Tarriela for his principled and courageous defense of our maritime zones,” Dagdag pa ni Cardinal David.

Binigyang-diin ng Cardinal na ang usapin ng soberenya ay higit pa sa usaping diplomasya at pampulitika sapagkat direktang nakataya at apektado nito ang kabuhayan at kaligtasan ng mamamayang Pilipino, lalo na ng mga mangingisda sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

“This is not only a political issue—it is profoundly moral and pastoral, because the livelihood and safety of our people, especially our fisherfolk, are at stake,” Ayon pa kay Cardinal David.

Pinuri rin ni Cardinal David ang paninindigan ng 15 senador na lumagda sa isang resolusyon ng Senado bilang pagtutol sa patuloy na pananakot at pagpupumilit ng China na angkinin ang karagatang saklaw ng Pilipinas.

“I also commend the 15 Senators who signed a Senate Resolution expressing our nation’s protest against China’s continuing acts of coercion and harassment in our waters,” wika niya.

Samantala, nanawagan rin si Cardinal David para sa pakikibahagi at aktibong partisipasyon ng bayan upang ipaglaban ang soberanya hindi sa pamamagitan ng dahas, kundi sa pagsusulong ng katotohanan, tapang, at malasakit lalo na sa pinakamahinang sektor ng lipunan, alinsunod sa panawagan ng Simbahan na maging tinig ng mga walang boses at maging tagapagtanggol ng buhay at dangal ng sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 72,641 total reads

 72,641 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,820 total reads

 107,820 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 143,120 total reads

 143,120 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 369,389 total reads

 369,389 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,801 total reads

 258,801 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top