Patuloy na pagpapanibago, hamon ni Bishop Corsiga sa Mindanao Priests

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,087 total reads

Hinimok ni Ipil Bishop Glenn Corsiga ang mga pari ng Mindanao na piliin ang patuloy na pagpapanibago bilang tugon sa mga hamon at sugat na kinahaharap ng Simbahan.

Sa pagninilay sa pagtatapos ng 47th Diocesan Clergy of Mindanao Assembly sa Immaculate Conception Cathedral sa Zamboanga City, iginiit ng obispo na ang katapatan sa bokasyon ay hindi minsanang desisyon kundi patuloy na pagpili.

“It is a decision to stay renewed over and over again because we believe that a renewed clergy is a renewed Church,” pahayag ni Bishop Corsiga.

Kinilala ng obispo na maraming pari ang dumaraan sa pagod, pagkadapa, at panloob na pakikibaka sa gitna ng mga puna at batikos laban sa Simbahan na maituturing na mga “war zones” ng lipunan.

“Some have fallen time and again… But the choice to stay is the same choice that brings utter healing, because in brokenness, the Lord comes to make life whole again,” dagdag ng obispo.

Binigyang-diin ni Bishop Corsiga na ang pagiging synodal na Simbahan ay nangangailangan ng mahinahong pakikipagdayalogo sa kabila ng mga “contradictions” sa kanilang prophetic witness.

“The contradictions we face regarding our propetic witness should not prevent us from standing on the ground,” ani ng obispo.

Hinimok din nito ang mga pinuno ng diyosesis na maging sensitibo sa mga palatandaan ng pagkapagod, pag-iisa, at maging sa pinansyal na suliranin ng ilang pari upang maagapan ang mas malalim na krisis.

“When you wrestle with a problem, it does not mean you are broken. It only shows you that the right decisions are missing along the way… Wounded people wound others. Healed people heal others,” giit ni Bishop Corsiga.

Dinaluhan ng halos 800 pari mula sa iba’t ibang diyosesis sa Mindanao ang tatlong araw na pagtitipon na layuning patatagin ang pagkakaisa, espiritwal na buhay, at pastoral na misyon ng kaparian sa rehiyon.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 12,001 total reads

 12,001 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 195,874 total reads

 195,874 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 227,606 total reads

 227,606 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 329,429 total reads

 329,429 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 369,986 total reads

 369,986 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 382,630 total reads

 382,630 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top