Kahalagahan ng Bibliya sa buhay sa loob ng simbahan, iginigiit ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,878 total reads

Muling binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV ang kahalagahan ng Banal na Kasulatan o Bibliya bilang buhay sa loob ng Simbahan.

Ito ang ibinahagi ni Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston – rector ng Pontificio Collegio Filipino at siya ring correspondent ng Radyo Veritas sa Vatican kaugnay sa nakalipas na General Audience ng Santo Papa noong nakalipas na linggo.

Ayon kay Fr. Gaston, patuloy ang pagninilay ni Pope Leo XIV tungkol sa Simbahan at sa Bibliya, gayundin sa pagpapaliwanag sa “Dei Verbum” o ang Dogmatic Constitution on Divine Revelation na isang mahalagang dokumento ng Second Vatican Council noong 1965.

Pagbabahagi ng Pari, isinusulong ng Dei Verbum sa lahat ng binyagan ang palagiang pagbabasa ng Bibliya kung saan nasasaad sa nasabing dokumento na ang Bibliya ay nasa pag-iingat ng Simbahan at ang Simbahan ang may tungkuling magbigay ng tamang pakahulugan sa Salita ng Diyos, sa ilalim ng gabay ng Magisterium o aral ng Simbahan.

“Patuloy ang ating Santo Papa sa kanyang reflection, sa kanyang pagtuturo tungkol sa ating simbahan at ang Bibliya, ang Bible ’no, kasi nga patuloy ang kanyang pag-explain ng “Dei Verbum” isang document ’yan ng Vatican Council, Second Vatican Council, mga [around] 60 years ago. At doon sa document na iyon ay pinag-uusapan, among other things, na Bibliya ay sa Simbahan, iniingatan ng Simbahan; ang lugar ng Bibliya, ang pagbasa ng Bibliya, ang pag-unawa sa Bibliya, at kahit sa history ng mundo, ang pagtago ng Bibliya, ang pag-ingat ng Bibliya ay nasa kamay ng Simbahan.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Gaston.

Paliwanag ni Fr. Gaston, mas maraming paraan ang bawat isa upang patuloy na magbasa ng Bibliya sa araw-araw lalo na sa kasalukuyang panahon na hindi lamang sa pamamagitan ng nakasanayan sa mismong libro ng Bibliya, kundi maging sa pamamagitan ng cellphone, o maging sa computer ay maaaring makapagbasa ng Bibliya.

Giit pa ng Pari, dapat na bigyan ng panahon ng bawat isa ang pagbabasa ng Bibliya kung saan nasasaad ang salita, turo, at ginawa ni Hesus na isinugo ng Panginoon upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan.

“Ayan ang tungkol sa reflection sa linggo na ito, na ang Biblia, basahin natin yung Bible. Sa lahat, tayo’y may Bible; kung hindi man sa printed, kahit sa cellphone, sa computer, at least may Bible tayo. “, wika ni Fr. Gaston.

Kaugnay nito sa Pilipinas, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 44, s. 1986, idineklara ang buwan ng Enero bilang National Bible Month, bilang paanyaya sa lahat na muling yakapin at isabuhay ang Salita ng Diyos.

Tema ng National Bible Month 2026 ngayong taon ang “God’s Word Brings L.I.F.E. to Our Hearts and to Our Homes” na naglalayong bigyang diin ang buhay na hatid ng Salita ng Diyos para sa puso at buhay ng bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 14,652 total reads

 14,652 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 52,776 total reads

 52,776 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 70,986 total reads

 70,986 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 155,314 total reads

 155,314 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 191,985 total reads

 191,985 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 36,895 total reads

 36,895 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top