Ash Wednesday, paanyaya sa tunay na pagbabagong-loob at puso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,706 total views

Iginiit ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na ang Miyerkules ng Abo ay hindi lamang isang ritwal kundi paanyaya sa tunay na pagbabagong-loob at pagbabago ng puso bilang paghahanda sa muling pagkabuhay ni Hesus sa Pasko ng Pagkabuhay.

Ayon sa obispo na ang paglalagay ng abo sa noo tuwing Miyerkules ng Abo ay higit pa sa isang tradisyon kundi isang malalim na paanyaya ng Diyos sa bawat mananampalataya.

“This is not merely a ritual; it is an invitation to transform our hearts and minds in preparation for the celebration of Christ’s resurrection at Easter,” pahayag ni Bishop Santos.

Ayon sa obispo, ang Kuwaresma ay panahon ng pagninilay, pagsisisi, at pagpapanibago ng buhay.

Dagdag pa ni Bishop Santos na bahagi ng pagsisisi ang kababaang loob na aminin ang mga pagkakamaling nagawa laban sa Diyos at sa kapwa.

“As the most predominantly Catholic country in Asia, the Philippines marks this day as a powerful moment of reflection, repentance, and renewal,” ani ng obispo.

Ipinaalala rin ni Bishop Santos ang hamon ng panahon, lalo na sa gitna ng pagkakawatak-watak ng lipunan at hinimok ang bawat isa na suriin ang sariling buhay at ugnayan sa kapwa, bilang konkretong hakbang ng pagbabalik-loob.

“In a world that often feels fragmented and divided, let us be a source of hope and love, embodying the compassion and mercy that our faith calls us to live out daily,” aniya.

Dagdag pa ng obispo mahalagang samantalahin ang panahon ng Kuwaresma upang muling pagtibayin ang pananampalataya at pakikipagkapwa.

“I encourage each of you to use this time to examine your own lives and relationships. Where can we offer forgiveness and seek reconciliation? How can we serve those in need, following the example of our Lord Jesus Christ?” ayon sa obispo.

Tinuran ni Bishop Santos ang natatanging katangian ng mga Pilipino na maaaring maging sandigan sa paglalakbay ng Kuwaresma.

Umaasa ang obispo na ang apatnapung araw na paglalakbay ng sakripisyo, panalangin, at kawanggawa ay magbubunga ng tunay na pagbabago.

“May our Lenten journey of sacrifice, penance, and charity guide us to reconciliation, conversion, and salvation,” giit ni Bishop Santos.

Binigyang-diin ni Bishop Santos na ang Kuwaresma ay hindi lamang paghahanda sa paggunita ng pagpapakasakit ni Kristo kundi isang pagkakataon upang higit na mapalalim ang ugnayan sa Diyos at sa kapwa, tungo sa ganap na pagkakasundo at kaligtasan na handog ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 71,813 total views

 71,813 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 146,427 total views

 146,427 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 226,506 total views

 226,506 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 269,645 total views

 269,645 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 266,334 total views

 266,334 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top