Manindigan sa katotohanan, hamon ng simbahan sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,520 total views

Nanawagan ang mga lider ng Simbahan sa mga mananampalataya na manindigan sa katotohanan at isabuhay ang batas ng Diyos sa harap ng lumalaganap na kasinungalingan sa lipunan.

Sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Cristo sa Sto. Cristo Parish sa Llano, Caloocan City, binigyang-diin ni Fr. Sunny Quejada, FLP, kura paroko ng parokya, na napapanahon ang paanyaya ng patron lalo na sa panahon ng fake news, misinformation at pagbaluktot ng kasaysayan.

“Mamuhay tayo ayon sa Gospel values… manindigan sa katotohanan para ang kasinungalingan ay hindi maghari,” pahayag ni Fr. Quejada sa panayam ng Radyo Veritas.

Ayon sa pari, hindi sapat ang panlabas na pagpapahayag ng pananampalataya kung hindi ito nakikita sa malinaw at matatag na paninindigan bilang mga binyagan.

“Bilang mga binyagan, tayo ay manindigan sa katotohanan. Ang iyong ‘oo’ ay maging oo, at ang ‘hindi’ ay hindi,” dagdag ng pari.

Hinimok din nito ang patuloy na panalangin at pagbabasa ng Banal na Kasulatan upang mahubog ang konsensiya at hindi matangay ng maling impormasyon.

Samantala, sa kanyang pagninilay, iginiit ni Novaliches Bishop Roberto Gaa na hindi binabago ni Kristo ang batas kundi pinalalalim ang pag-unawa rito.

“Hindi binabago ni Kristo ang batas; pinalalalim lamang ang pag-unawa rito. Hindi lang ito panlabas na pagsunod… kundi malalim na pagtalima na nagmumula sa pagsasapuso ng batas,” ayon sa obispo.

Ipinaliwanag ni Bishop Gaa na ang tunay na pagsunod ay hindi nakabatay sa takot sa parusa kundi sa panloob na pagbabago.

Ginamit pa nitong halimbawa ang pagsunod sa batas-trapiko upang ilarawan ang hamon ng integridad, ang paggawa ng tama kahit walang nakakikita.

Kinilala rin ng obispo ang kahinaan ng tao, ngunit hinikayat ang unti-unting pagbabago tungo sa kabutihan.

“Hindi porkit ginagawa ng nakararami, okay lang. Isipin lagi natin, ano ang Mabuti, at ano ang narararapat. Nagkakamali pa rin tayo… pero sana hindi pa ulit-ulit ang mali. Pakunti-kunti, patungo sa kabutihan” ani Bishop Gaa.

Ang Sto. Cristo Parish ay itinatag noong 2018 sa ilalim ng Diocese of Novaliches at kasalukuyang pinangangasiwaan ng mga misyonerong pari ng Franciscan of Our Lady of the Poor.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 73,351 total views

 73,351 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 147,965 total views

 147,965 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 228,044 total views

 228,044 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 271,183 total views

 271,183 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 267,771 total views

 267,771 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top