Bawasan ang pagkakahumaling sa “digital technology”, apela ng pangulo ng Radyo Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,838 total reads

Patuloy na magiging katuwang ng mga mananampalataya ang Radio Veritas sa paglalakbay ngayong panahon ng Kuwaresma.

Ito ang tiniyak ni Radio Veritas President Fr. Roy Bellen kasabay ng paanyaya sa publiko na samantalahin ang panahon bilang pagkakataon ng pagbabalik-loob at mas malalim na pakikiisa sa Panginoon.

“Radio Veritas remains steadfast in its mission to be a trusted channel of communication for the faithful,” pahayag ni Fr. Bellen.

Ayon sa pari, lalong paiigtingin ng himpilan ang paghahatid ng mga programang magbibigay-linaw sa kahalagahan ng Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay ni Hesus, lalo na sa nalalapit na pagsisimula ng Kuwaresma.

“In the coming weeks, especially as we approach the Paschal Triduum, we will continue to bring reflections, liturgical celebrations, catechetical programs, and spiritual guidance,” ayon sa pari.

Binigyang-diin din ni Fr. Bellen na ang Kuwaresma ay hindi lamang tradisyon kundi isang personal na paanyaya ng Diyos sa bawat isa na magnilay at mas paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Apela ng pari na bawasan ang pagkahumaling sa teknolohiya sa halip ay bigyang tuon ang panahon ng pananalangin at pagbabasa ng bibliya.

“In a world often filled with noise and distractions, even in technology, Lent calls us to silence and discernment. To spend more time with real people who are just beside us,” ani Fr. Bellen.

Sa February 18 pormal na magsisimula ang panahon ng kuwaresma sa Miyerkules ng Abo kung saan ang bawat binyagang kristiyano ay inaanyayahan sa pananalangin, pag-aayuno, at pagkakawanggawa.

Inaanyayahan ng himpilan ang mga Kapanalig sa mga misa sa Veritas Chapel sa Ash Wednesday kung saan sa alas 6 ng umaga ito ay pangungunahan ni Bishop Honesto Ongtioco, si Fr. Bellen naman sa alas 12 ng tanghali; habang si Novaliches Bishop Roberto Gaa naman sa alas 6 ng gabi.

Umaasa ang pangulo ng Radio Veritas na sa pamamagitan ng mga programa ng himpilan, mas mahikayat ang mga mananampalataya na magnilay, manalangin at ihanda ang puso sa pagdating ng Pasko ng Pagkabuhay, ang pinakarurok sa pananampalatayang kristiyano, ang tagumpay ng buhay laban sa kamatayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 71,163 total reads

 71,163 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 106,467 total reads

 106,467 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 141,767 total reads

 141,767 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 368,036 total reads

 368,036 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 257,495 total reads

 257,495 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top