Bawasan ang pagkakahumaling sa “digital technology”, apela ng pangulo ng Radyo Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,771 total reads

Patuloy na magiging katuwang ng mga mananampalataya ang Radio Veritas sa paglalakbay ngayong panahon ng Kuwaresma.

Ito ang tiniyak ni Radio Veritas President Fr. Roy Bellen kasabay ng paanyaya sa publiko na samantalahin ang panahon bilang pagkakataon ng pagbabalik-loob at mas malalim na pakikiisa sa Panginoon.

“Radio Veritas remains steadfast in its mission to be a trusted channel of communication for the faithful,” pahayag ni Fr. Bellen.

Ayon sa pari, lalong paiigtingin ng himpilan ang paghahatid ng mga programang magbibigay-linaw sa kahalagahan ng Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay ni Hesus, lalo na sa nalalapit na pagsisimula ng Kuwaresma.

“In the coming weeks, especially as we approach the Paschal Triduum, we will continue to bring reflections, liturgical celebrations, catechetical programs, and spiritual guidance,” ayon sa pari.

Binigyang-diin din ni Fr. Bellen na ang Kuwaresma ay hindi lamang tradisyon kundi isang personal na paanyaya ng Diyos sa bawat isa na magnilay at mas paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Apela ng pari na bawasan ang pagkahumaling sa teknolohiya sa halip ay bigyang tuon ang panahon ng pananalangin at pagbabasa ng bibliya.

“In a world often filled with noise and distractions, even in technology, Lent calls us to silence and discernment. To spend more time with real people who are just beside us,” ani Fr. Bellen.

Sa February 18 pormal na magsisimula ang panahon ng kuwaresma sa Miyerkules ng Abo kung saan ang bawat binyagang kristiyano ay inaanyayahan sa pananalangin, pag-aayuno, at pagkakawanggawa.

Inaanyayahan ng himpilan ang mga Kapanalig sa mga misa sa Veritas Chapel sa Ash Wednesday kung saan sa alas 6 ng umaga ito ay pangungunahan ni Bishop Honesto Ongtioco, si Fr. Bellen naman sa alas 12 ng tanghali; habang si Novaliches Bishop Roberto Gaa naman sa alas 6 ng gabi.

Umaasa ang pangulo ng Radio Veritas na sa pamamagitan ng mga programa ng himpilan, mas mahikayat ang mga mananampalataya na magnilay, manalangin at ihanda ang puso sa pagdating ng Pasko ng Pagkabuhay, ang pinakarurok sa pananampalatayang kristiyano, ang tagumpay ng buhay laban sa kamatayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 14,627 total reads

 14,627 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 52,753 total reads

 52,753 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 70,963 total reads

 70,963 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 155,291 total reads

 155,291 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 191,963 total reads

 191,963 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 1,938 total reads

 1,938 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top