‘No meat Friday’, panawagan ngayong Kuwaresma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 51,303 total views

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Healthcare ang mga mananampalataya na gawing makabuluhan ang paggunita sa panahon ng Kuwaresma sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng sakripisyo, pagninilay, at pakikiisa sa “No Meat Friday campaign.”

Ayon kay CBCP-ECHC vice chairman, Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, ang Kuwaresma ay apatnapung araw ng pagsisisi at pagpapakasakit bilang paghahanda sa paggunita ng pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesus.

Dagdag ng obispo, ang pag-iwas sa pagkain ng karne tuwing Biyernes ng Kuwaresma ay hindi simpleng tradisyon kundi konkretong pagsasanay sa pagpipigil at pagsasakripisyo.

Gayunman, nilinaw ni Bishop Florencio na hindi ito obligasyon para sa mga may karamdaman, matatanda, at may pangangailangang pangkalusugan.

“For those who can, hinihiyat tayo upang maramdaman natin ang pagsasakripisyo to discipline our bodies. So that, kung tayo ay mayroong disiplinadong katawan, we’re able to do some other things. Because the more that we sacrifice in view of something, ito po ay nagiging meritorious para sa atin,” ayon kay Bishop Florencio sa panayam ng Radyo Veritas.

Iginiit din ng obispo na ang bawat sakripisyo ay maaaring ihandog para sa kapakanan ng bayan, sa mga namumuno sa pamahalaan, sa mga nagdurusa, at sa mga kaluluwang higit na nangangailangan ng panalangin.

Pagbahahagi ni Bishop Florencio, ang Kuwaresma ay panahon ng pagbabalik-loob at pagtanggap sa Ebanghelyo bilang liwanag at gabay sa paglalakbay ng buhay.

Aniya, sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay, kabilang ang mga suliraning nakaaapekto sa kalusugang pangkaisipan, mahalaga ang pagkakaroon ng matibay na kalooban at pananampalataya.

“It brings us more strength. Inner strength. An inner character. It brings us strength not only in our bodies but also our spirits,” ayon sa obispo.

Tagubilin naman ni Bishop Florencio sa mga mananampalataya na ang sakripisyo ng apatnapung araw na paghahanda ay nakatuon sa pag-asa ng muling pagkabuhay kung saan tulad ni Kristong nagtagumpay sa krus, tinatawagan ang bawat isa na maging matatag, magtiwala sa Diyos, at mamuhay nang may pag-asa tungo sa buhay na walang hanggan.
Write to E-Veritas News Submissions

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 110,687 total views

 110,687 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 132,797 total views

 132,797 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 206,828 total views

 206,828 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 202,270 total views

 202,270 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top