Pagiging good citizens, panawagan ng CBCP sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,253 total reads

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga Pilipino ng pagiging mabuting mamamayan.

Ito ang pangunahing mensahe ni CBCP President, Lipa Archbishop Gilbert Garcera sa kanyang panibagong liham pastoral sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution.

Sa liham pastoral na pinamagatang “That Christ May Be Formed In Us” (Galatians 4:19): Pastoral Letter For Good Citizenship, binalikan ng Arsobispo ang alaala ng isang bansang nagkaisa sa pananalangin, tapang, at pag-asa sa kahabaan ng EDSA kung saan pinili ng mga ordinaryong Pilipino ang kapayapaan at konsensya kaysa karahasan at takot.

Sa kabila nito inilarawan din ni Archbishop Garcera ang kasalukuyang kalagayan ng bansa na mayroon pa ring malalalim na sugat na makikita sa tinawag ng Arsobispo na limang “K”:

• Korapsyon, na sumisira sa tiwala at nagkakait ng yaman para sa mahihirap;
• Kahirapan, na patuloy na nagpapahirap sa milyun-milyong pamilya;
• Kriminalidad, na nagdudulot ng takot at kawalan ng seguridad;
• Kasinungalingan, na sumisira sa katotohanan at demokrasya; at
• Kataksilan, na inuuna ang pansarili o dayuhang interes kaysa sa bayan.

Ayon kay Archbishop Garcera, ang mga sugat na ito ay nagbunsod ng pagkadismaya at pangambang walang nagbabago at pag-usad ang bansa.

Giit ng Arsobispo, ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa hinubog na konsensya at pusong nagbalik-loob sa Panginoon na isinusulong ang pagmamahal sa bayan at sa kapwa.

Bilang tugon, inilunsad ng CBCP ang ‘Katipunan Formation Program for Good Citizenship’ kung saan nanawagan si Archbishop Garcera sa bawat diyosesis na agad itong ilunsad at ipatupad sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa.

Ipinaliwanag ni Archbishop Garcera na ang salitang Katipunan ay mula sa “tipon” o pagtitipon, at inaalala ang diwa ng mga bayaning tulad nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at Jose Rizal na mga lalaking naniwalang ang pag-ibig sa bayan ay nangangailangan ng sakripisyo at integridad.

Binigyang-diin ng Arsobispo na hindi ito isang political movement o campaign program, kundi isang proseso ng paghubog upang maging mabuting mamamayan ang bawat Pilipino na nakaugat sa Kristiyanong pagpapahalaga.

“To say ‘Katipunan ako’ is to affirm: a love for God and country, a sense of responsibility for the common good, and a commitment to live one’s faith in daily social and political life,” Bahagi ng liham pastoral ni Archbishop Garcera.

Dagdag pa ng Arsobispo, ang pananampalataya ay hindi dapat manatili lamang sa loob ng Simbahan kundi dapat makaapekto sa paraan ng pagsasalita, pagtatrabaho, pagboto, at pakikitungo sa kapwa.

Pagbabahagi pa ni Archbishop Garcera, nakapaloob sa programa ang pagsasagawa ng mga pagninilay, pag-aaral, at panalangin upang harapin nang tapat ang limang “K.”

Hango ang ‘Katipunan Formation Program for Good Citizenship’ sa mga aral mula sa kasaysayan, kabilang ang True Decalogue ni Apolinario Mabini, Kartilya ng Katipunan ni Jacinto, at Code of Citizenship ni Manuel Quezon na may pagkakapareho sa diwa ng Sampung Utos at sa utos ni Kristo na magmahalan.

Inilahad din sa liham pastoral ni Archbishop Garcera ang limang paninindigan tungo sa mabuting pagkamamamayan:

• Panalangin – sapagkat ang pagbabagong panlipunan ay nagsisimula sa ugnayan sa Diyos.
• Pagtutol (Taking a Stand) – ang katiwalian at kasinungalingan ay hindi dapat tanggapin bilang normal.
• Panagutin (Holding Accountable) – ang pananagutan ay dapat igiit sa paraang makatarungan at naaayon sa batas.
• Pagtabas (Pruning) – sa pamamagitan ng matalinong pagboto at paggalang sa batas, alisin ang sumisira sa kabutihang panlahat.
• Pag-asa – ang pag-asa ay pinananatili ng mga komunidad ng pananampalataya.

Tinukoy rin ng Arsobispo na ang lihim na pangalan ni Bonifacio sa Katipunan ay “May-asa,” na sumisimbolo sa patuloy na pag-asa ng sambayanan.

Sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution, binigyang-diin ni Archbishop Garcera na hindi sapat ang pag-alala lamang sa nakaraan sapagkat kalakip nito ang hamon na ipagpatuloy ang gawain ng konsensya at pagbabagong-loob.

“Guided by faith, inspired by history, and strengthened by community, the Katipunan Formation Program seeks to help Filipinos rediscover their role in shaping a nation where justice is served, truth is honored, and peace is within reach.” Panawagan ni Archbishop Garcera.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 77,072 total reads

 77,072 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,813 total reads

 111,813 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 147,113 total reads

 147,113 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 373,382 total reads

 373,382 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 262,606 total reads

 262,606 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top