Ipaglaban ang karapatan, katotohanan at pananagutan, apela ng ATM sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,286 total reads

Nanindigan ang Alyansa Tigil Mina (ATM) na nananatiling buhay ang diwa ng People Power sa gitna ng panawagan para sa pananagutan, katarungan at pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa grupo, apat na dekada matapos ang makasaysayan at mapayapang pagkakaisa ng taumbayan noong 1986, muling nasasaksihan ng taumbayan ang malawakang pandarambong sa ekonomiya at likas-yaman ng bansa.

Iginiit ng ATM na sa halip na ganap na kalayaan at kaunlaran, nananatili ang mabigat na utang ng bansa, malawak na kahirapan, patuloy na pagkasira ng kalikasan, at paglabag sa karapatang pantao—lalo na sa mga pamayanang apektado ng pagmimina.

“Alyansa Tigil Mina (ATM) joins thousands of Filipinos marching in the streets today to demand accountability from corrupt government officials and their private sector cohorts,” pahayag ng ATM.

Binigyang-diin din ng grupo ang pagpasa ng panukalang batas laban sa political dynasty upang maiwasan ang pagkakatuon ng kapangyarihan sa iilang pamilya, kabilang ang mga iniuugnay sa mga usapin sa mga pampublikong proyekto tulad ng maanomalyang flood control projects.

Binatikos ng ATM ang agresibong pagsusulong ng malakihang pagmimina sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kabila ng matinding pagtutol ng mga lokal na komunidad.

Paliwanag ng grupo na dahil sa pagkiling ng pamahalaan sa mga kumpanya ng pagmimina at sa pagsasantabi sa hinaing ng mga apektadong mamamayan, napipilitan ang ilan na maglunsad ng mga kilos-protesta at magtayo ng mga barikada upang pigilan ang mapaminsalang operasyon at pagpasok ng mabibigat na kagamitan sa kanilang lugar.

“Indeed, the assertion of their democratic rights is justly exercised by marginalized communities that have long suffered government neglect. The vibrant spirit of the people’s power lives on,” ayon sa grupo.

Sa paggunita ng anibersaryo ng EDSA, hinimok ng grupo ang publiko na patuloy na ipaglaban ang dignidad, karapatan, katotohanan at pananagutan.

Anila, ang demokrasya at kalayaang dapat ay napakinabangan na ng mamamayan matapos ang EDSA ay nararapat igiit at isabuhay sa kasalukuyan upang maitaguyod ang malalim at pangmatagalang pagbabago sa araw-araw na pamumuhay.

“Let us not waver in our collective struggle for truth and accountability, social justice and human rights, and an empowering and progressive society for the next generations,” ayon sa ATM.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 88,505 total reads

 88,505 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 135,443 total reads

 135,443 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 183,314 total reads

 183,314 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 287,262 total reads

 287,262 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 369,390 total reads

 369,390 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 167,610 total reads

 167,610 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top