Talikuran ang ganid at korapsyon, hamon ng IFMCP sa mga lider ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,699 total reads

Nanawagan ang Inter-Franciscan Ministers Conference of the Philippines (IFMCP) sa mga pinuno ng bansa na talikuran ang korapsyon at ganid na pamumuno kasabay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution.

Sa kanyang mensahe, hinamon ni Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, chairperson ng IFMCP, ang mga lider ng pamahalaan na magsagawa ng tunay na pagbabagong moral at pampulitika.

“We call on our leaders to renounce corruption and greed, dismantle political monopolies, and rediscover that public office is service, not privilege,” pahayag ni Fr. Redoblado.

Iginiit ng pari na nananatiling hindi ganap ang adhikain ng makasaysayang pag-aalsa sa EDSA dahil patuloy na nasusugatan ang bansa dahil sa umiiral na katiwalian at sistemang nagpapalawig ng kapangyarihan sa iilang pamilya.

“Today, however, we must admit that corruption, greed, and political dynasties continue to wound our nation,” dagdag nito.

Mariin ding tinuligsa ng opisyal ng Simbahan ang paggamit ng karahasan bilang kasangkapan sa pulitika.

“We say no to violence as a political instrument. We say no more to a government that uses excessive force and killings in the name of curbing criminality,” giit ni Fr. Redoblado.

Kasabay nito ay tinutulan din mg IFMCP ang armadong tunggalian mula sa panig ng mga oposisyon o rebeldeng grupo.

“We also say no to armed conflict that perpetuates cycles of fear and retaliation. Violence cannot be the path to authentic peace and development,” ayon pa sa pari.

Binigyang-diin ng pari na nananatiling isang “moral victory” ang EDSA sapagkat ipinamalas nito ang kapangyarihan ng nagkakaisang mamamayan na walang armas.
“EDSA remains a moral victory — the triumph of conscience over coercion, of people united over power abused,” saad ni Redoblado.

Hinimok din ng lider ng Framciscan network ang mamamayan na tumindig laban sa katiwalian at piliin ang mga lider na may integridad at malasakit.
Ayon pa sa pari, ipinapaalala ng EDSA na ang tunay na lakas ng isang bansa ay hindi nasusukat sa sandata kundi sa konsensya ng mamamayan.

“Let us refuse to cooperate with corruption. Let us reclaim the moral courage that once transformed our history. The strength of a nation is not in its weapons, but in its conscience” ani Fr. Redoblado.

Ang ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ay ginugunita ngayong taon bilang paalala sa mapayapang pagkakaisa ng sambayanan na nagpatalsik sa diktaduryang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. noong 1986 at nagsulong ng pagbabagong pampulitika sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 88,083 total reads

 88,083 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 135,048 total reads

 135,048 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 182,919 total reads

 182,919 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 286,867 total reads

 286,867 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 369,009 total reads

 369,009 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top