Ipaglaban ang karapatan, katotohanan at pananagutan, apela ng ATM sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,001 total views

Nanindigan ang Alyansa Tigil Mina (ATM) na nananatiling buhay ang diwa ng People Power sa gitna ng panawagan para sa pananagutan, katarungan at pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa grupo, apat na dekada matapos ang makasaysayan at mapayapang pagkakaisa ng taumbayan noong 1986, muling nasasaksihan ng taumbayan ang malawakang pandarambong sa ekonomiya at likas-yaman ng bansa.

Iginiit ng ATM na sa halip na ganap na kalayaan at kaunlaran, nananatili ang mabigat na utang ng bansa, malawak na kahirapan, patuloy na pagkasira ng kalikasan, at paglabag sa karapatang pantao—lalo na sa mga pamayanang apektado ng pagmimina.

“Alyansa Tigil Mina (ATM) joins thousands of Filipinos marching in the streets today to demand accountability from corrupt government officials and their private sector cohorts,” pahayag ng ATM.

Binigyang-diin din ng grupo ang pagpasa ng panukalang batas laban sa political dynasty upang maiwasan ang pagkakatuon ng kapangyarihan sa iilang pamilya, kabilang ang mga iniuugnay sa mga usapin sa mga pampublikong proyekto tulad ng maanomalyang flood control projects.

Binatikos ng ATM ang agresibong pagsusulong ng malakihang pagmimina sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kabila ng matinding pagtutol ng mga lokal na komunidad.

Paliwanag ng grupo na dahil sa pagkiling ng pamahalaan sa mga kumpanya ng pagmimina at sa pagsasantabi sa hinaing ng mga apektadong mamamayan, napipilitan ang ilan na maglunsad ng mga kilos-protesta at magtayo ng mga barikada upang pigilan ang mapaminsalang operasyon at pagpasok ng mabibigat na kagamitan sa kanilang lugar.

“Indeed, the assertion of their democratic rights is justly exercised by marginalized communities that have long suffered government neglect. The vibrant spirit of the people’s power lives on,” ayon sa grupo.

Sa paggunita ng anibersaryo ng EDSA, hinimok ng grupo ang publiko na patuloy na ipaglaban ang dignidad, karapatan, katotohanan at pananagutan.

Anila, ang demokrasya at kalayaang dapat ay napakinabangan na ng mamamayan matapos ang EDSA ay nararapat igiit at isabuhay sa kasalukuyan upang maitaguyod ang malalim at pangmatagalang pagbabago sa araw-araw na pamumuhay.

“Let us not waver in our collective struggle for truth and accountability, social justice and human rights, and an empowering and progressive society for the next generations,” ayon sa ATM.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 49,900 total views

 49,900 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,769 total views

 45,769 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 81,971 total views

 81,971 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,609 total views

 90,609 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,716 total views

 115,716 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top