Desisyon ng SC pabor sa Altai Philippines Mining, hindi kinilala ng Bayay Sibuyan Inc.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,919 total reads

Iginiit ng Bayay Sibuyanon, Inc. na hindi lisensya sa pagmimina ang naging desisyon ng Korte Suprema sa kaso kaugnay ng operasyon ng Altai Philippines Mining Corporation sa Sibuyan Island.

Ayon sa grupo, ang pagsasantabi sa Petition for Writ of Kalikasan ay nakabatay lamang sa procedural requirements ng Rules of Procedure for Environmental Cases at hindi nangangahulugang ligtas o walang paglabag ang pagmimina.

Binigyang-diin ng Bayay Sibuyanon na nananatili ang Notices of Violation mula sa Department of Environment and Natural Resources, cease and desist sa causeway project, pansamantalang suspensyon ng Ore Transport Permit, at kusang paghinto ng operasyon noong 2023, bukod pa sa patuloy na pagtutol ng mga lokal na pamahalaan at residente ng isla.

“Ang mga hakbang na ito ay patunay na may seryosong isyu sa environmental compliance na hindi maaaring maliitin o balewalain,” giit ng Bayay Sibuyanon.

Ikinababahala rin ng grupo ang mahigit isang taong hindi pagtugon ng DENR sa nakabinbing petisyon para kanselahin ang Mineral Production Sharing Agreement o MPSA ng Altai, na inihain dahil sa mga alegasyon ng paglabag sa environmental at regulatory requirements.

Babala ng samahan, habang nananatiling walang malinaw na resolusyon ang petisyon, nananatiling bukas ang posibilidad ng pagbabalik-operasyon ng mina at panibagong banta sa biodiversity ng Sibuyan Island.

“Ang pagmimina sa ganitong lugar ay may malalim at pangmatagalang implikasyon sa kagubatan, kabundukan, ilog, at karagatan ng isla, at sa kabuhayan at seguridad ng mga komunidad,” ayon sa Bayay Sibuyanon.

Hinimok ng Bayay Sibuyanon ang DENR na agarang tugunan ang petisyon para sa kanselasyon ng MPSA, tiyakin ang malinaw at bukas na proseso, at higit na unahin ang pangangalaga ng kalikasan at kapakanan ng pamayanan kaysa sa anumang interes ng pagmimina.

Paninindigan ng grupo, hindi dapat pahintulutan ang large-scale metallic mining sa isang marupok at maselang likas-yaman tulad ng Sibuyan, at magpapatuloy ang kanilang laban para sa katarungang pangkalikasan at pananagutan.

Sa Laudato Si’, mariing nagpahayag si Pope Francis ng pagtutol sa pagmimina dahil nagdudulot ito ng labis na pinsala sa kalikasan at paghihirap sa mga apektadong pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 45,316 total reads

 45,316 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 125,171 total reads

 125,171 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 158,618 total reads

 158,618 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 193,916 total reads

 193,916 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 418,713 total reads

 418,713 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,741 total reads

 156,741 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top