Diwa ng EDSA people power, napakahalaga sa kasalukuyan-Bishop Baylon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,865 total reads

Binigyang-diin ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang kahalagahan ng diwa ng EDSA People Power Revolution sa kasalukuyang panahon, lalo na para sa mga kabataan.

Ayon sa Obispo, nananatiling buhay ang pag-asa at diwa ng EDSA People Power Revolution na naganap 40-taon na ang nakakalipas noong 1986.

Sa kanyang pagninilay, binigyang-diin ni Bishop Baylon na ang pag-asa ng sambayanan ay nakaugat sa presensya ng Espiritu Santo na nananatili sa bansa magpahanggang sa ngayon.

Paliwanag ng Obispo, ang tunay at pangmatagalang pagbabago ay hindi lamang nagsisimula sa lansangan kundi sa puso ng bawat isa.

“We believe that there is hope, and hope just not disappoint, because hope is pounded on the gift of the Holy Spirit and the Holy Spirit remains with us, EDSA [People Power Revolution] remains with us.” Bahagi ng pagninilay ni Bishop Baylon.

Pagbabahagi ni Bishop Baylon, ang EDSA ay hindi lamang isang pangyayari sa kasaysayan kundi isang patuloy na paanyaya sa bawat Pilipino na magsimula ng pagbabago sa sarili.

Bilang pagpapatuloy sa diwa ng EDSA People Power Revolution hinimok ng Obispo ang mga mananampalataya na isabuhay ang parehong tapang at paninindigan para sa katotohanan sa lipunan upang makamtan ang tunay na pagbabago at pag-unlad ng bansa.

“Let us begin with ourselves EDSA [People Power Revolution] begun in that way, in the heart of every person who went there to face the tanks, to proclaim the truth, and to be instruments of peace. Let us do that, that there may be real change, real progress in this beloved country that we called the Philippines. Power belongs to the people, transparency, accountability, and liberty are the true lessons of EDSA [People Power Revolution].” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Pinaalalahanan din ng Obispo ang mga mananampalataya na ang diwa ng EDSA ay nananatiling hamon at inspirasyon na isa ring paanyaya sa patuloy na paninindigan para sa katotohanan, pananagutan, at kalayaan para sa lahat.

Sa pamamagitan ng isinagawang “March of Heroes” sa Albay Cathedral noong ika-25 ng Pebrero, 2026 ay isinabuhay ng mga kabataang Katoliko mula sa iba’t ibang paaralan at samahang pansimbahan ng Diyosesis ng Legazpi ang mga pambansang bayani, mga pangunahing personalidad ng EDSA People Power Revolution, at mga makabagong saksi ng pananampalataya.

Matapos ang isinagawang pagmamartsa, naghandog ang mga kalahok na grupo ng malikhaing presentasyon sa pamamagitan ng kasuotan, at pagtatanghal upang bigyang-diin ang diwa ng EDSA People Power Revolution na kalayaan, katotohanan, at lakas ng loob na manindigan para sa tama.

Sinundan naman ito ng pagdiriwang ng Banal na Misa na pinangunahan ni Bishop Baylon kung saan hinamon rin ng Obispo ang mga kabataan na isabuhay ang diwa ng People Power sa pang-araw-araw na buhay sa pamamagitan ng paninindigan para sa katotohanan, pagtanggi sa kasinungalingan at maling impormasyon, at pagiging instrumento ng pag-asa, katarungan, at kapayapaan sa lipunan.

Sa paggunita sa ika-40 taon ng EDSA People Power Revolution, ipinakita ng kabataan ng Legazpi na ang diwa ng pagkakaisa at mapayapang pagkilos ay patuloy na nabubuhay sa bagong henerasyon ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 82,942 total reads

 82,942 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 117,205 total reads

 117,205 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 152,505 total reads

 152,505 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 378,774 total reads

 378,774 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 267,762 total reads

 267,762 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top