Kahinahunan,hiling ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia sa mga OFW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,114 total reads

Nanawagan si Bishop Paolo Martinelli, OFM Cap., ang Apostolic Vicar ng Apostolic Vicariate Southern Arabia, sa mga mananampalataya na manatiling mahinahon at magkaisa sa panalangin sa gitna ng umiigting na sitwasyon sa Middle East.

Sa kanyang mensahe, iginiit ng obispo ang kahalagahan ng kapanatagan at pagsunod sa mga umiiral na alituntunin ng pamahalaan para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.

“I appeal to all of you, dear faithful of the Apostolic Vicariate of Southern Arabia, to remain calm and serene, while at the same time carefully follow all instructions given by our civil authorities,” ayon kay Bishop Martinelli.

Binigyang-diin ng obispo na higit kailanman ay kinakailangan ang pagkakaisa ng mga mananampalataya sa pananalangin para sa kapayapaan.

“Most of all, it is a time for all of us to remain united in prayer for peace,” pahayag pa ng obispo.

Hinikayat ni Bishop Martinelli ang mananampalataya na idulog sa Mahal na Birheng Maria sa pamamagitan ng santo rosaryo ang pag-iral ng pagkakasundo tungo sa mapayapang lipunan.

“I invite you all to pray the rosary every day for peace and reconciliation,” dagdag ni Bishop Martinelli.

Inatasan din ng obispo ang lahat ng parokya na isama sa pagdiriwang ng Banal na Misa ang panalangin para sa kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayan sa rehiyon.

“During all Holy Masses, let us pray for peace and security of all people in this region,” ani pa ng Apostolic Vicar.

Ipinagkatiwala ni Bishop Martinelli sa Panginoon ang kaligtasan ng bawat pamilya at hiniling ang paggabay ng Mahal na Birhen at ng mga banal para sa pagkakaloob ng tunay at pangmatagalang kapayapaan.

Patuloy namang nananawagan ang Simbahan sa mga mananampalataya na maging instrumento ng pagkakaisa, pananalig at pag-asa sa harap ng mga hamon at kaguluhan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 116,263 total reads

 116,263 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 149,592 total reads

 149,592 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 181,736 total reads

 181,736 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 247,798 total reads

 247,798 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 259,596 total reads

 259,596 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top