Disarmament at kapayapaan, prayer intention ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 390 total reads

Inilaan ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV ang kanyang prayer intention ngayong buwan ng Marso para sa pagsusulong ng disarmament at kapayapaan sa gitna ng patuloy na sigalot at karahasan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Partikular na nanawagan ang Santo Papa sa mga bansa at mga pinuno ng pamahalaan na tahakin ang landas ng dayalogo at diplomasya sa halip na dahas at pagpapalakas ng sandata.

Sa gitna ng pangamba at kawalan ng katiyakan, muling ipinapaalala ni Pope Leo XIV na ang pag-asa ay nananatili sa sama-samang pagkilos para sa kapayapaan na nakaugat hindi sa pananakot, kundi sa pagkilala sa iisang sangkatauhan.

“Let us pray that nations move toward effective disarmament, particularly nuclear disarmament, and that world leaders choose the path of dialogue and diplomacy instead of violence.” Panalangin ng Santo Papa para sa buwan ng Marso.

Napapanahon din ang inilaang prayer intention ni Pope Leo XIV ngayong buwan lalo na sa usapin ng nuclear disarmament sa panahon ng umiigting na tensyon sa pagitan ng Israel at Palestine, at sa iba pang bahagi ng rehiyon sa Gitnang Silangan na apektado ng alitan.

Paliwanag ng Santo Papa, ang tunay na seguridad ng mundo ay hindi nakasalalay sa lakas ng armas kundi sa pagkakaroon ng tiwala, paggalang sa dignidad ng bawat tao, at tapat na pakikipag-usap upang maresolba ang mga hindi pagkakaunawaan ng mga bansa.

Bahagi rin ng panawagan ni Pope Leo XIV ang paninindigan ng bawat mananampalataya na maging instrumento ng kapayapaan sa kani-kanilang komunidad, lalo na sa panahong marami ang nababalot ng takot at kawalan ng katiyakan dulot ng digmaan at banta ng mas malawak na kaguluhan.

Una nang binigyang-diin ng Santo Papa na ang kapayapaan ay bunga ng makatarungan at responsableng pagpapasya, at ang mundo ay higit na nangangailangan ng mga pinunong may lakas ng loob na unahin ang buhay at kinabukasan ng sangkatauhan kaysa sa interes ng karahasan at kapangyarihan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 33,113 total reads

 33,113 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 69,751 total reads

 69,751 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 87,962 total reads

 87,962 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 172,290 total reads

 172,290 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 208,166 total reads

 208,166 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,233 total reads

 38,233 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top