Walk for Life 2026, isinagawa ng Diocese of Tagum

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 676 total reads

Nagtipon ang mga mananampalataya ng Diyosesis ng Tagum noong Pebrero 28, 2026 para sa pagsasagawa ng Walk for Life 2026 sa diyosesis na isang malinaw at nagkakaisang patotoo sa kabanalan ng buhay ng tao.

Sa ibinahaging impormasyon ng Diocese of Tagum Social Communications Ministry, nagsimula ang gawain sa Tagum City Historical & Cultural Center kung saan sama-sama ang mga mananampalataya na taimtim na naglakad patungo sa Christ the King Cathedral.

Bitbit ng mga dumalo sa Walk for Life 2026 sa diyosesis ang mga bandila at panalangin, gayundin ang pag-asa habang ipinapahayag na ang buhay mula sa sinapupunan hanggang sa natural na kamatayan ay kaloob ng Diyos na dapat igalang at pangalagaan.

Matapos naman ang inihandang maikling programa ay pinangunahan ni Tagum Bishop Medil Aseo ang pagdiriwang ng banal na misa.

Sa kanyang mensahe, muling pinagtibay ni Bishop Aseo ang hindi matitinag na paninindigan ng Simbahan sa pagtatanggol sa mga hindi pa isinisilang, pagsuporta sa mga inang dumaraan sa pagsubok, pagpapatibay sa pamilya, at pagsusulong ng kultura ng pag-ibig, pananagutan, at paggalang sa buhay ng bawat nilalang.

“In his message, he [Bishop Aseo] reaffirmed the Church’s unwavering stand to defend the unborn, support mothers in difficult circumstances, strengthen families, and foster a culture rooted in love, responsibility, and respect for life.” Bahagi ng pagninilay ni Bishop Aseo.

Pinangunahan ng Knights of Columbus, katuwang ang Commission on Family and Life, Diocesan Youth Apostolate, at Diocesan Council on Lay Integrated Movements (DCLAIM), ang pagsasagawa ng Walk for Life 2026 na hindi lamang isang pagtitipon kundi isang malinaw na pagpapahayag ng paninindigan at pananampalataya.

Sa gitna ng mga panahong hinahamon at minamaliit ang halaga ng buhay ng tao, mariing ipinahayag ng mga kalahok ang kanilang paninindigan para sa kasagraduhan ng bawat buhay na kaloob ng Panginoon sa bawat isa.

“We choose life. We protect the most vulnerable. We accompany those in need. We promote compassion over indifference and truth over convenience.” Bahagi ng mensahe ng mga dumalo sa Walk for Life 2026 sa Diyosesis ng Tagum.

Hamon naman ni Bishop Aseo sa bawat isa ang araw-araw na pagsasabuhay sa paglalakad at pagsusulong ng kasagraduhan ng bawat buhay hindi lamang sa mga tahanan, parokya, paaralan, kundi maging sa pamayanan sapagkat ang buhay ay banal, mahalaga, at kaloob ng Diyos na dapat ipagtanggol at pahalagahan.

Dinaluhan ang gawain ng mga pari, layko, pamilya, kabataan, iba’t ibang samahang pansimbahan, at mga seminarista ng Queen of Apostles College Seminary na naging makabuluhang tanda ng nagpapatuloy na misyon ng Simbahan sa pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao at ng susunod na henerasyon ng mga pastol na hinuhubog na may matibay na paninindigan para sa buhay.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 7,042 total reads

 7,042 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 19,124 total reads

 19,124 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 91,085 total reads

 91,085 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 177,586 total reads

 177,586 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 220,620 total reads

 220,620 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 269,465 total reads

 269,465 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 7,044 total reads

 7,044 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »
Scroll to Top