Inay Salud devotee, magtitipon para sa taunang fiesta tradicional

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 359 total views

Magtitipon ang mga deboto ng Nuestra Señora de la Salud o “Inay Salud” sa San Nicolas de Tolentino Parish sa March 6, 2026, ikatlong Biyernes ng Kuwaresma, para sa taunang Fiesta Tradicional.
Magsisimula ang gawain sa banal na misa sa alas-6 ng gabi na susundan ng maringal na prusisyon penitensyal sa pangunahing lansangan ng parokya.

Ayon kay Cofradía president Bro. Rex Jardinero, ang pagdiriwang ngayong taon ay hindi lamang pagbabalik sa matagal nang tradisyon kundi bahagi rin ng patuloy na espiritwal na paghahanda ng mga deboto sa nalalapit na ika-400 taon ng pagdating ng imahen sa Pilipinas sa taong 2034.
Batay sa mga tala ng kasaysayan, kilala ang naturang prusisyon bilang isa sa pinakamalaki at pinakamarangal na pagdiriwang noong panahon ng kolonyalismo.

Noong 1647, inilarawan ni Fray Andres del Espiritu Santo ang pagdiriwang na dinadaluhan ng libu-libong deboto at itinuturing na “pinakamainam na relihiyosong prusisyon sa buong kapuluan ng Pilipinas.”
Pinagtibay naman ito ng salaysay ni Fray Andres de San Nicolas noong 1664 na nagsasabing ang prusisyon tuwing ikatlong Biyernes ng Kuwaresma ay isinasagawa nang may natatanging karangyaan at debosyon.

Dumating sa bansa ang orihinal na imahen ng Birhen noong 1634 mula sa Mexico sa pangunguna ng mga misyonerong Order of Augustinian Recollects.

Naranasan ng debosyon ang matinding pagsubok nang masira ang dating dambana ng Birhen sa San Nicolas Church noong pagbomba sa Intramuros noong 1945.

Taong 2017 nang muling buhayin ang debosyon makalipas ang ilang dekadang pagtigil.
Noong 2021, muling binuhay ang makasaysayang samahan ng mga deboto sa ilalim ng orihinal nitong pangalan na Cofradía del Tránsito de Nuestra Señora.

Bukod sa pagdiriwang tuwing ikatlong Biyernes ng Kuwaresma, pinangungunahan din ng Cofradía ang pangunahing kapistahan ni Inay Salud tuwing November 17.

Noong kapistahan ng 2025, inilunsad ang “Journey to the Quadricentennial” bilang paghahanda sa ika-400 taon ng pagdating ng imahen sa Pilipinas.

Inihayag sa paglulunsad ang opisyal na tema ng paglalakbay: “With Inay Salud, We Journey On: 400 Years of Faith, Fidelity, and Fortitude.”

Pinangunahan ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. ang pagsapubliko ng tema at logo ng pagdiriwang kasama ang pamunuan ng Order of Augustinian Recollects.

Ang paglalakbay patungo sa quadricentennial ay magsisimula sa Year of Families (2025–2026) na nakatuon sa pagpapalalim ng debosyong Marian sa loob ng pamilya sa pamamagitan ng katekesis, family consecrations, at mga pagdalaw sa tahanan sa ilalim ng programang “Pagsibita ni Inay.”

Nakahanay rin ang mga susunod na temang pastoral hanggang 2034 kabilang ang Year of Vocations, Year of Youth, Year of the Laity, Year of the Eucharist, Year of Evangelization, Year of the Poor and the Sick, Year of the Parish and Pilgrims, at Year of Consecration to the Blessed Virgin Mary.

Ipinaliwanag ni Jardinero na layunin ng paghahanda hindi lamang gunitain ang apat na siglo ng debosyon kundi palawakin din ang mga gawaing paglilingkod tulad ng medical at dental missions at ang bagong programang pangkalusugang pangkaisipan na “Sa Kalinga ni Inay.”

Samantala, sinabi naman ni Fr. Robin Ross Plata, OAR, spiritual director ng Cofradía, na bukas ang paglalakbay na ito sa lahat ng mananampalataya.

Ayon sa pari, ang dekadang paghahanda patungo sa ika-400 anibersaryo ay isang sama-samang paglalakbay ng mga namimintuho sa Ina ng Kalusugan sa loob ng apat na siglo.

Inaanyayahan ng mga Augustinian Recollects at ng Cofradía ang mga deboto, pamilya at peregrino na makibahagi sa pagdiriwang at muling tuklasin ang patuloy na paggabay at pag-aaruga ni Inay Salud sa sambayanang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 152,111 total views

 152,111 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 182,335 total views

 182,335 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 208,981 total views

 208,981 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 303,954 total views

 303,954 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 315,049 total views

 315,049 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top