Kasakiman, resulta ng digmaan sa middle east-Carmelite priest

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 399 total reads

Nanawagan ng panalangin para sa kapayapaan sa gitna ng lumalawak na digmaan sa Middle East si Carmelite priest Fr. Ritche Salgado, O.Carm., kasabay ang babala laban sa kasakiman at mga digmaang nagiging negosyo.

Sa kanyang homiliya ngayong Huwebes sa ikalawang linggo ng kuwaresma sa Our Lady of Veritas Chapel, binigyang-diin ng pari na ang mga digmaan sa mundo ay madalas nakaugat sa paghahangad ng labis na kapangyarihan at yaman.
“Kapag mas mahalaga ang kita kaysa buhay ng tao, kapag ang digmaan ay nagiging negosyo, iyan ang parehong kasalanan ng mayamang lalaki sa Ebanghelyo,” ayon kay Fr. Salgado.

Ang pahayag ng pari ay kasabay ng lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan kasunod ng sanib pwersang pag-atake ng Amerika at Israel sa Iran na nagsimula noong huling bahagi ng Pebrero.

Target ng operasyong militar ang mga pasilidad militar at nuclear ng Iran na nagbunsod ng malawakang sagupaan sa rehiyon.
Naglunsad naman ng missile at drone attacks ang Iran bilang ganti, na tumama sa iba’t ibang lugar sa rehiyon kabilang ang Israel at mga base militar ng Amerika sa Gulf states, habang mahigit isang libong katao na ang naiulat na nasawi sa labanan.
Sa gitna ng krisis, hinimok ni Fr. Salgado ang mga mananampalataya na ipanalangin ang kapayapaan at katarungan para sa mga biktima ng digmaan.

“Manalangin tayo para sa kapayapaan sa mga bayang tine-terorize ng Israel at ni (US Pres. Donald) Trump, para sa katarungan sa mga biktima ng inhustisya at para sa pagbabagong puso ng mga taong pinagpeperahan ang gyera,” giit ng pari.
Ayon pa sa kanya, ang kuwento ng mayamang lalaki at ni Lazaro sa Ebanghelyo ay paalala na ang pagpapabaya sa naghihirap ay may pananagutan.

“Hindi naman masama ang maging mayaman; ang kasalanan ay ang hindi pansinin ang Lazaro sa ating pintuan,” dagdag ni Fr. Salgado.
Samantala, patuloy na tumitindi ang digmaan habang kinumpirma ng Amerika na anim na sundalong Amerikano na ang nasawi sa operasyon laban sa Iran, at posibleng tumagal ng ilang linggo ang kampanyang militar.

Nag-aalala na rin ang Vatican sa lumalawak na sigalot, kung saan binigyang-diin ni Secretary of State Cardinal Pietro Parolin na ang ganitong uri ng “preventive war” ay malaking banta sa pandaigdigang kapayapaan at sa umiiral na batas internasyonal.
Binigyang diin ni Fr. Salgado na ang tunay na hamon sa mga Kristiyano ay hindi lamang ang manalangin kundi ang baguhin ang puso at tumugon sa paghihirap ng kapwa.

Sa gitna ng digmaan at karahasan sa iba’t ibang panig ng mundo, pinaalalahanan ng pari ang mga mananampalataya na ang sukatan ng pananampalataya ay ang pagmamahal na isinasabuhay sa kapwa lalo na sa mga mahihirap at biktima ng digmaan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 10,357 total reads

 10,357 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 11,749 total reads

 11,749 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 25,227 total reads

 25,227 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 62,605 total reads

 62,605 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 93,875 total reads

 93,875 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 169,498 total reads

 169,498 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 262,507 total reads

 262,507 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 10,359 total reads

 10,359 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top