Parokya sa Beirut, binuksan para sa mga migranteng naghahanap ng ligtas na lugar: Tanging Yaman Foundation, nanawagan ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 565 total reads

Nanawagan ng agarang tulong ang Tanging Yaman Foundation sa pangunguna ni Fr. Manoling Francisco, SJ para sa mga migranteng naapektuhan ng lumalalang tensyon at kaguluhan sa Gitnang Silangan, partikular sa Lebanon.

Sa inilabas na panawagan, ibinahagi ng foundation ang kalagayan ng mahigit 130 migrante na kasalukuyang kinukupkop sa Parish of St. Joseph, Beirut sa pamumuno ni Fr. Henry Ponce, SJ.

“Due to the conflict in the Middle East, the Parish of St. Joseph, Beirut, Lebanon, under Fr. Henry Ponce, SJ, is providing refuge to over 130 displaced migrants. They are in dire need of food, water, medicines, and blankets. They also need funds to rent another facility in order to accommodate more refugees.”

Napilitang lumikas ang mga migranteng ito mula sa kanilang mga tirahan dahil sa patuloy na kaguluhan sa rehiyon kaya’t agarang kinakailangan ang tulong tulad ng pagkain, malinis na tubig, gamot, at mga kumot.

Bukod dito, nangangailangan din ng karagdagang pondo upang makapag-upa ng isa pang pasilidad na magsisilbing pansamantalang matutuluyan ng mas marami pang refugee na naghahanap ng ligtas na kanlungan.

Ayon sa foundation, ang panawagan ay bahagi ng mas malawak na misyong tumulong sa mga komunidad at indibidwal na nahaharap sa krisis at matinding pangangailangan.

Umaasa ang organisasyon na sa pakikipagtulungan ng mga indibidwal, simbahan, at iba pang institusyon ay makakalap ng sapat na tulong para sa mga migranteng apektado ng digmaan.

Maaaring ipadala ang mga donasyon sa Metrobank account na 448-7-44801314-2 o sa BPI Loyola Katipunan Branch account na 3081-1213-45.

Maaari ring magbigay sa pamamagitan ng mga QR code ng e-wallets na matatagpuan sa opisyal na Facebook page ng foundation na Tanging Yaman Foundation.

Para sa transparency, hinihikayat ng foundation ang mga donor na ipadala ang kanilang transaction o deposit slip kasama ang kumpletong pangalan, address, at contact number sa [email protected] upang mabigyan ng donation invoice.

Sa pamamagitan ng mga donasyon, inaasahang matutugunan ang agarang pangangailangan ng mga lumikas at mabibigyan sila ng pansamantalang kanlungan habang nagpapatuloy ang krisis sa rehiyon.

Batay sa datos ng pamahalaan, tinatayang may humigit-kumulang 30,000 Pilipino ang kasalukuyang nagtatrabaho sa Lebanon.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 2,522 total reads

 2,522 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 12,257 total reads

 12,257 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 84,627 total reads

 84,627 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 171,128 total reads

 171,128 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 214,162 total reads

 214,162 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 263,355 total reads

 263,355 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top