Cardinal Advincula, pinangunahan ang pamimigay ng tulong sa mga nasunugan sa Brgy.655

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 419 total views

Tiniyak ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga biktima ng sakuna na kasama nila ang simbahan sa anumang pagsubok na kaharapin.

Pangako ito ni Cardinal Advincula, na siya ring Chairman ng Caritas Manila sa pamamahagi ng tulong ng Social Arm ng Archdiocese of Manila sa mga nasunugang residente ng Baranggay 655 Intramuros Manila katuwang ang San Agustin Church – Our Lady of Immaculate Conception Cathedral at One Cooperative Bank.

“Ang Diyos ay nagpapakita ng Kanyang pagmamahal sa inyo sa pamamagitan ng inyong mga kapatid, ng mga ibang tao na nagtutulong sa inyo. Ngayon ang nagtutulong sa inyo ay ang mga kapatid natin na sa parokya sa kapighatian. Kaya narito ang Caritas Manila bilang isang organisasyon ng simbahan na ang kanyang talagang ginagawa ay ang paghatid ng tulong, pagpapakita ng pagmamahal ng Diyos sa mga tao,” ayon sa mensahe ni Cardinal Advincula.

Tiniyak naman ni Caritas Manila Executive Director Father Anton CT Pascual na nakahanda ang social arm anumang oras na tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipinong malalagay sa panganib at pangangailangan ang pamumuhay.

Sa ulat, 600 na pamilya ang nawalan ng tirahan sa nangyaring sunog.

“Dito sa Barangay 655 sa Intramuros, halos 600 families ang nasunugan dito. May namatay pa. Kaya narito ang Caritas Manila – Caritas Damayan. Kasama natin ang San Agustin at ang Archdiocese of Manila para mabigyan ng relief at rehab ang mga kawawang kababayan natin na nasunugan dito noong nakaraang linggo. Nawa yung ating mga pagkain, mga gamot na binigay sa kanila ay makatulong ng sumandali. At ipagdasal po natin ang mga nasunugan. Sabi nga eh, manakawan ka na, huwag ka lang masunugan.” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Pascual.

Sa tala ng Caritas Manila, umabot sa 200 pamilyang nasunugan ang nabigyan ng tulong tulad ng pagkain, jerry cans at iba pang pangunahing pangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 59,815 total views

 59,815 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 134,429 total views

 134,429 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 214,508 total views

 214,508 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 257,647 total views

 257,647 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 255,182 total views

 255,182 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top