Pagnilayan ang kabutihan ng Diyos ngayong kuwaresma-Archbishop Valles sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 409 total reads

Hinimok ni Davao Archbishop Romulo Valles ang mga mananampalataya na pagnilayan ang kabutihan ng Diyos at ibahagi ito sa kapwa lalo sa paglalakbay ng pananampalataya ngayong panahon ng Kuwaresma.

Sa kanyang pagninilay sa Misa na ginanap sa San Pedro Cathedral, nitong Miyerkules, ipinaalala ng arsobispo na ang Kuwaresma ay panahon upang mas lalong mapalapit ang bawat Kristiyano sa Panginoon.

“One way to see that we are close to the Lord is to remember the works of the Lord. To list down the goodness of the Lord,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Valles.

Paliwanag ng arsobispo na madalas mas madaling ilista ng tao ang mga kahilingan at pangangailangan sa Diyos, ngunit mas mahalagang alalahanin ang mga pagkakataong naranasan ang Kanyang kabutihan.

“Ingon ang readings karon, to be able to remember how good the Lord has been to you. To list down the goodness of the Lord,” dagdag ng arsobispo.

Ayon sa arsobispo, ang ganitong pagninilay ay makatutulong upang mas makita ng tao ang presensya ng Diyos sa kanilang buhay at maging daan upang higit na mapalalim ang kanilang ugnayan sa Panginoon.

Bukod sa personal na paggunita sa kabutihan ng Diyos, hinikayat din ni Archbishop Valles ang mga mananampalataya na ibahagi ito sa iba bilang paraan ng pagpapahayag ng pananampalataya.

“Tell others how good the Lord is… Not only remembering, but teaching. Tell people how good the Lord is,” ani ng arsobispo.

Dagdag pa ng arsobispo na hindi kailangang maging pormal na pangangaral ang pagbabahagi ng pananampalataya kundi maaari itong gawin sa simpleng pakikipag-usap sa pamilya, mga kaibigan at maging sa mga kasamahan sa trabaho.

Sa naturang Misa ay ipinagkatiwala rin ng arsobispo sa Panginoon ang iba’t ibang intensyon ng mga mananampalataya, kabilang ang panalangin para sa pamilya ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakapiit sa The Hague, Netherlands, isang taon ang nakalilipas.
Binigyang-diin din ng arsobispo na ang bawat panalangin at kahilingan ng mga mananampalataya ay ipinagkakatiwala sa Diyos lalo na sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya.

“We entrust that intention to the Lord, especially in this Eucharist,” ani Valles.

Kabilang sa mga dumalo sa banal na misa ang pamilya ng dating punong ehekutibo sa pangunguna ni Vice President Sara Duterte.

Hinikayat ng arsobispo ang mga mananampalataya na gamitin ang panahon ng Kuwaresma upang pagnilayan ang kabutihan ng Diyos sa kanilang buhay at maging saksi ng Kanyang pagmamahal sa kapwa habang nalalapit ang pagdiriwang ng mga Mahal na Araw.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 7,932 total reads

 7,932 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 9,486 total reads

 9,486 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 20,827 total reads

 20,827 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 58,205 total reads

 58,205 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 89,475 total reads

 89,475 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 165,631 total reads

 165,631 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 258,824 total reads

 258,824 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 7,933 total reads

 7,933 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top