Bishop Bacani, hinikayat ang mga mambabatas na gawing gabay ang Salita ng Diyos at paglilingkod sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,171 total reads

Nanawagan si Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. sa mga mambabatas na gawing sentro ng kanilang pamumuno ang pakikinig sa salita ng Diyos at ang tapat na paglilingkod sa kapwa.

Sa kanyang homiliya sa isinagawang misa sa House of Representatives, iginiit ng obispo na ang tunay na karunungan ay hindi nasusukat sa kayamanan, talino, o dami ng titulo, kundi sa kakayahang makinig at sumunod sa kalooban ng Diyos.

“Sino ang marunong, sino ang nagpapakita ng karunungan ng Panginoon? Hindi ang pinakamayaman, hindi yung pinakamagaling sa mathematics o sa Science, kundi yung mga nakikinig sa salita ng Diyos. At iyan po ang tunay na karunungan ang pakinggan ang salita ng Diyos. Sundin natin ang Kaniyang utos,” bahagi ng homiliya ni Bishop Bacani.

Binigyang-diin ni Bishop Bacani na sa buhay, walang mahalagang bagay ang madaling nakakamtan nang hindi dumaraan sa sakripisyo at hirap. Aniya, mas mahirap ang maglingkod kaysa ang paglingkuran, ngunit ito ang landas tungo sa tunay na kadakilaan.

Dagdag pa ng obispo,”Ganyan din sa ating buhay, ang paglilingkod ay mas mahirap kaysa sa ikaw ay paglingkuran. Ngunit alam Ninyo ang sabi ng Panginoon, ang daan sa kadakilaan ay nasa paglilingkod, hindi sa pagkakamal ng kayamanan, hindi sa pagkakaroon ng maraming titulo, pagkakaroon ng katanyagan kundi nasa paglilingkod. ‘yan ang tunay na karunungan.”

Ipinaalala rin ng obispo na ang Sampung Utos ng Diyos ay nagsisilbing gabay upang maipakita ng bawat isa ang kanilang paglilingkod sa Diyos at pagmamalasakit sa kapwa.

Sa gitna ng pagninilay ngayong panahon ng Kuwaresma, hinimok ni Bacani ang mga lider at mamamayan na muling ituon ang kanilang buhay sa Panginoon, na ang hangarin ay ang tunay na kapakanan at kaligayahan ng bawat tao.

“At ang 10 Utos ng Diyos, ay paraan para ipakita natin na naglilingkod tayo sa Diyos at naglilingkod sa kapwa…sa panahon sana ng Kuwaresma na ito, tandaan natin yan. Let us turn to the Lord who desires only our happiness,” ayon pa kay Bishop Bacani.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 55,319 total reads

 55,319 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,689 total reads

 134,689 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,134 total reads

 168,134 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,432 total reads

 203,432 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,735 total reads

 427,735 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,603 total reads

 16,603 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top