Ang simbahang katolika ay bukas para sa lahat-Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 494 total reads

Pinaalalahanan ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya tungkol sa tunay na pagkakakilanlan ng Simbahan bilang “People of God” na bukás sa lahat at tinatawag na maging tanda ng pagkakaisa sa gitna ng mga hidwaan sa mundo.

Sa kanyang pagninilay sa ikalawang kabanata ng Dogmatic Constitution na Lumen Gentium ng Second Vatican Council, ipinaliwanag ng Santo Papa na ang Simbahan ay isang sambayanan na nagkakaisa hindi sa kultura o lahi kundi sa pananampalataya kay Kristo.

“The Church is the people of God who draw their existence from the body of Christ and who are themselves the body of Christ,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ipinaliwanag ni Pope Leo na ang pagkakaisa ng Simbahan ay hindi nakabatay sa wika, kultura o etnisidad kundi sa iisang pananampalataya kay Hesus.

“All men are called to belong to the new people of God. Wherefore this people, remaining one and unique, must extend to the whole world and to all ages, so that the intention of God’s will may be fulfilled,” dagdag ng santo papa.

Binigyang-diin din nito ang pananagutan ng bawat Kristiyano na maging saksi ng Ebanghelyo sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Ayon sa Santo Papa, “in the Church there is, and there must be, a place for everyone, and every Christian is called to proclaim the Gospel and bear witness in every environment in which he or she lives and works.”

Ipinaliwanag ng Santo Papa na sa pamamagitan ng pagiging bukas sa lahat, ipinakikita ng Simbahan ang pagiging tunay na “katolika” nito sa pagtanggap sa iba’t ibang kultura habang pinadadalisay at pinayayaman ang mga ito sa pamamagitan ng Ebanghelyo.
Kasabay nito, iginiit ni Pope Leo XIV na ang Simbahan ay nananatiling tanda ng pag-asa lalo na sa panahon na nahaharap ang mundo sa iba’t ibang hidwaan at digmaan.

“It is a great sign of hope – especially in our times, traversed by so many conflicts and wars – to know that the Church is a people in which women and men of different nationalities, languages and cultures live together in faith,” giit ng santo papa.
Samantala, nagpahayag din ng pakikiisa ang Santo Papa sa mga mamamayan ng Lebanon sa gitna ng patuloy na tensyon sa rehiyon.
Ginawa ng Santo Papa ang panawagan sa pagdarasal sa gitna ng pagluluksa sa pagkamatay ni Fr. Pierre El Raii, isang paring Maronite Church na nasawi habang tumutulong sa mga sugatan sa isang pambobomba.
“May the Lord grant that the blood he shed be a seed of peace for beloved Lebanon,” ayon kay Pope Leo XIV.
Hinimok din ng Santo Papa ang patuloy na pananalangin para sa kapayapaan sa Gitnang Silangan.

“Let us continue to pray for peace in Iran and throughout the Middle East, especially for the many civilian victims, including many innocent children,” aniya.
Binigyang-diin ni Pope Leo XIV na sa gitna ng kaguluhan sa mundo, nananatiling paanyaya ang Simbahan upang tipunin ang sangkatauhan tungo sa pagkakaisa at kapayapaan na nais ng Diyos para sa lahat.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 10,364 total reads

 10,364 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 11,754 total reads

 11,754 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 25,232 total reads

 25,232 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 62,610 total reads

 62,610 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 93,880 total reads

 93,880 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 169,503 total reads

 169,503 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 262,512 total reads

 262,512 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 10,366 total reads

 10,366 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top