Bishop Bacani, hinikayat ang mga mambabatas na gawing gabay ang Salita ng Diyos at paglilingkod sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 637 total views

Nanawagan si Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. sa mga mambabatas na gawing sentro ng kanilang pamumuno ang pakikinig sa salita ng Diyos at ang tapat na paglilingkod sa kapwa.

Sa kanyang homiliya sa isinagawang misa sa House of Representatives, iginiit ng obispo na ang tunay na karunungan ay hindi nasusukat sa kayamanan, talino, o dami ng titulo, kundi sa kakayahang makinig at sumunod sa kalooban ng Diyos.

“Sino ang marunong, sino ang nagpapakita ng karunungan ng Panginoon? Hindi ang pinakamayaman, hindi yung pinakamagaling sa mathematics o sa Science, kundi yung mga nakikinig sa salita ng Diyos. At iyan po ang tunay na karunungan ang pakinggan ang salita ng Diyos. Sundin natin ang Kaniyang utos,” bahagi ng homiliya ni Bishop Bacani.

Binigyang-diin ni Bishop Bacani na sa buhay, walang mahalagang bagay ang madaling nakakamtan nang hindi dumaraan sa sakripisyo at hirap. Aniya, mas mahirap ang maglingkod kaysa ang paglingkuran, ngunit ito ang landas tungo sa tunay na kadakilaan.

Dagdag pa ng obispo,”Ganyan din sa ating buhay, ang paglilingkod ay mas mahirap kaysa sa ikaw ay paglingkuran. Ngunit alam Ninyo ang sabi ng Panginoon, ang daan sa kadakilaan ay nasa paglilingkod, hindi sa pagkakamal ng kayamanan, hindi sa pagkakaroon ng maraming titulo, pagkakaroon ng katanyagan kundi nasa paglilingkod. ‘yan ang tunay na karunungan.”

Ipinaalala rin ng obispo na ang Sampung Utos ng Diyos ay nagsisilbing gabay upang maipakita ng bawat isa ang kanilang paglilingkod sa Diyos at pagmamalasakit sa kapwa.

Sa gitna ng pagninilay ngayong panahon ng Kuwaresma, hinimok ni Bacani ang mga lider at mamamayan na muling ituon ang kanilang buhay sa Panginoon, na ang hangarin ay ang tunay na kapakanan at kaligayahan ng bawat tao.

“At ang 10 Utos ng Diyos, ay paraan para ipakita natin na naglilingkod tayo sa Diyos at naglilingkod sa kapwa…sa panahon sana ng Kuwaresma na ito, tandaan natin yan. Let us turn to the Lord who desires only our happiness,” ayon pa kay Bishop Bacani.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 149,310 total views

 149,310 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 179,534 total views

 179,534 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 206,180 total views

 206,180 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 301,153 total views

 301,153 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 312,416 total views

 312,416 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top