Diocese of Tarlac, magsasagawa ng Penitential Walk for Life

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 345 total views

Magsasagawa ng lokal na Penitential Walk for Life 2026 ang Diyosesis ng Tarlac sa pangunguna ng Diocese of Tarlac-Council of Laity bilang patuloy na paninindigan ng mga layko sa pagsusulong ng kasagraduhan ng buhay.

Ayon sa paanyaya ng sangguniang laiko ng diyosesis, napapanahon ang paggunita sa banal na panahon ng Kuwaresma upang lumabas ang bawat mananampalataya mula sa kanilang mga parokya at mag-alay ng isang hayagang sakripisyo para sa mga pinaka-mahina at nangangailangan sa lipunan.

Paliwanag ng Diocese of Tarlac-Council of Laity na tagapag-organisa ng gawain, ang nakatakdang Penitential Walk for Life 2026 ay hindi lamang isang simpleng paglalakad kundi isang paglalakbay ng puso at pananampalataya na puno ng panalangin, pagsisisi, at paninindigan para sa kabanalan ng buhay.

Kaugnay nito, hinihikayat ang lahat na makiisa sa gawaing bilang isang sambayanang nagkakaisa upang ipagtanggol ang kasagraduhan ng buhay at humingi ng awa ng Diyos para sa bansa.

“As we observe the solemn season of Lent, we are called to move beyond our parish walls and offer a visible sacrifice for the most vulnerable. This is more than just a walk; it is a pilgrimage of the heart. We invite all faithful to join the Penitential Walk for Life 2026. Let us stand as one flock, united with the whole nation, to defend the sanctity of life and seek God’s mercy for our land.” Paanyaya ng Tarlac Diocesesan Council of the Laity.

Isasagawa ang Penitential Walk for Life 2026 sa Diyosesis ng Tarlac sa darating na Sabado, ika-21 ng Marso, 2026 mula alas-kwatro y medya hanggang alas-otso y medya ng umaga.

Sa ilalim ng pangkabuuang tema ng Penitential Walk for Life 2026 na “Walk for Life! Walk for Unity as One Nation!” ay umaasa ang Diyosesis ng Tarlac na makiisa ang mga mananampalataya sa diyosesis sa mariing paninindigan para sa pagsusulong ng dignidad at kasagraduhan ng buhay, laban sa anumang banta laban sa buhay ng tao at maging ng kalikasan.

Magsisimula ang pagtitipon ganap na alas-kwatro y medya ng umaga sa San Sebastia Cathedral Parish of Tarlac na susundan ng sama-samang pagglalakad sa buong komunidad bago ang nakatakdang pagdiriwang ng banal na misa sa katedral na inaasahang pangungunahan ni Tarlac Bishop Roberto Mallari, matapos ito ay magkakaroon naman ng maikling programa na susundan ng pagsasagawa ng holy hour at confession sa cathedral.

Nauna ng itinakda ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagsasagawa sa Arkidiyosesis ng Maynila ng Penitential Walk for Life 2026 sa ika-20 ng Marso, 2026 mula alas-tres ng hapon hanggang alas-otso y medya ng gabi sa Intramuros, Maynila kung saan pangungunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagdiriwang ng banal na misa sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral o Manila Cathedral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 149,235 total views

 149,235 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 179,459 total views

 179,459 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 206,105 total views

 206,105 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 301,078 total views

 301,078 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 312,349 total views

 312,349 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top