PMPI, nakikiramay sa nasawing bulldozer operator sa Semirara mining pit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 332 total views

Nakikiramay ang Philippine Misereor Partnership, Inc. (PMPI) sa pamilya ng nasawing bulldozer operator sa naganap na landslide sa Semirara mining pit sa Antique noong March 1, 2026.

Batay sa mga ulat, natabunan ng lupa ang operator nang bumagsak ang bahagi ng open pit.

Ayon sa PMPI, hindi ito ang unang trahedya sa operasyon ng Semirara Mining and Power Corporation, kung saan mula 2013 hanggang 2020, tinatayang 20 na ang nasawi sa sunud-sunod na aksidente sa open-pit mines ng kumpanya, kabilang ang mudslides, pagbagsak ng lupa, at pagkalason sa gas.

“These cited repeated incidents demonstrate a troubling pattern of occupational neglect that cannot simply be dismissed,” pahayag ng PMPI.

Paliwanag ng grupo, ang open-pit mining ay may malaking panganib sa kalikasan at lipunan—mula sa polusyon, pagkasira ng biodiversity, at pagkawala ng kabuhayan, hanggang sa panganib sa mga pamayanang malapit sa minahan.

Anila, ang madalas at malalang insidente ay nagpapakita ng kakulangan sa kaligtasan ng manggagawa at pananagutan ng kumpanya.

Nanawagan ang PMPI ng agaran at malayang imbestigasyon, malinaw na ulat, at suporta sa pamilya ng nasawi.

“More importantly, the repeated fatalities compel a serious checks and reassessment of continued mining operations in Semirara,” ayon sa PMPI.

Iginiit din ng grupo ang agarang pagsusuri sa compliance sa kaligtasan at epekto sa kalikasan bago ipagpatuloy ang pagmimina.

Ayon sa PMPI, ang buhay ng manggagawa at kaligtasan ng kalikasan ay dapat unahin kaysa kita ng kumpanya.

“No economic activity can justify the social and environmental costs of mining including the continued loss of workers’ lives and the degradation of the environment,” saad ng PMPI.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 147,538 total views

 147,538 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 177,762 total views

 177,762 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 204,408 total views

 204,408 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 299,381 total views

 299,381 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 310,748 total views

 310,748 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top