Diocese of Tarlac, magsasagawa ng Penitential Walk for Life

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 433 total reads

Magsasagawa ng lokal na Penitential Walk for Life 2026 ang Diyosesis ng Tarlac sa pangunguna ng Diocese of Tarlac-Council of Laity bilang patuloy na paninindigan ng mga layko sa pagsusulong ng kasagraduhan ng buhay.

Ayon sa paanyaya ng sangguniang laiko ng diyosesis, napapanahon ang paggunita sa banal na panahon ng Kuwaresma upang lumabas ang bawat mananampalataya mula sa kanilang mga parokya at mag-alay ng isang hayagang sakripisyo para sa mga pinaka-mahina at nangangailangan sa lipunan.

Paliwanag ng Diocese of Tarlac-Council of Laity na tagapag-organisa ng gawain, ang nakatakdang Penitential Walk for Life 2026 ay hindi lamang isang simpleng paglalakad kundi isang paglalakbay ng puso at pananampalataya na puno ng panalangin, pagsisisi, at paninindigan para sa kabanalan ng buhay.

Kaugnay nito, hinihikayat ang lahat na makiisa sa gawaing bilang isang sambayanang nagkakaisa upang ipagtanggol ang kasagraduhan ng buhay at humingi ng awa ng Diyos para sa bansa.

“As we observe the solemn season of Lent, we are called to move beyond our parish walls and offer a visible sacrifice for the most vulnerable. This is more than just a walk; it is a pilgrimage of the heart. We invite all faithful to join the Penitential Walk for Life 2026. Let us stand as one flock, united with the whole nation, to defend the sanctity of life and seek God’s mercy for our land.” Paanyaya ng Tarlac Diocesesan Council of the Laity.

Isasagawa ang Penitential Walk for Life 2026 sa Diyosesis ng Tarlac sa darating na Sabado, ika-21 ng Marso, 2026 mula alas-kwatro y medya hanggang alas-otso y medya ng umaga.

Sa ilalim ng pangkabuuang tema ng Penitential Walk for Life 2026 na “Walk for Life! Walk for Unity as One Nation!” ay umaasa ang Diyosesis ng Tarlac na makiisa ang mga mananampalataya sa diyosesis sa mariing paninindigan para sa pagsusulong ng dignidad at kasagraduhan ng buhay, laban sa anumang banta laban sa buhay ng tao at maging ng kalikasan.

Magsisimula ang pagtitipon ganap na alas-kwatro y medya ng umaga sa San Sebastia Cathedral Parish of Tarlac na susundan ng sama-samang pagglalakad sa buong komunidad bago ang nakatakdang pagdiriwang ng banal na misa sa katedral na inaasahang pangungunahan ni Tarlac Bishop Roberto Mallari, matapos ito ay magkakaroon naman ng maikling programa na susundan ng pagsasagawa ng holy hour at confession sa cathedral.

Nauna ng itinakda ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagsasagawa sa Arkidiyosesis ng Maynila ng Penitential Walk for Life 2026 sa ika-20 ng Marso, 2026 mula alas-tres ng hapon hanggang alas-otso y medya ng gabi sa Intramuros, Maynila kung saan pangungunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagdiriwang ng banal na misa sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral o Manila Cathedral.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,099 total reads

 11,099 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 12,403 total reads

 12,403 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 26,176 total reads

 26,176 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,554 total reads

 63,554 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,824 total reads

 94,824 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 170,371 total reads

 170,371 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 263,334 total reads

 263,334 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,448 total reads

 25,448 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top