Aminin ang pagkakasala at magbalik loob sa panginoon, panawagan ni Bishop Gaa sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 775 total reads

Nanawagan ang mga lider ng Simbahan sa mga mananampalataya na kilalanin ang kanilang mga pagkukulang at magsikap na magbago bilang bahagi ng sama-samang pagninilay at pagsisisi ng Simbahan sa isinagawang Confessio Peccati na pinangunahan ng mga consecrated persons.

Ayon kay Novaliches Bishop Roberto Gaa, layunin ng inisyatiba na pukawin ang kamalayan ng mamamayan upang higit na mapangalagaan hindi lamang ang kalikasan kundi maging ang mga ugnayang panlipunan.

“Isang bagay ang pag-amin na tayo ay nagkulang, pero kaakibat ng pag-amin na tayo ay nagkulang ay ang ating pagnanais na magbago,” pahayag ni Bishop Gaa sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ng obispo na mahalaga ang pagkilala sa mga pagkukulang bilang simula ng tunay na pagbabago, lalo na sa pangangalaga sa mga mahihinang sektor at mga nasa laylayan ng lipunan.

“Kailangang pangalagaan ang mga social structures na nangangalaga sa mga mahihirap, sa mga laborer, at sa mga pinakamahina sa sektor,” ayon sa obispo.

Umaasa rin si Bishop Gaa na magsisilbing paanyaya ang gawain upang gisingin ang kamalayan ng lipunan sa kanilang pananagutan sa kapwa at sa komunidad.

“Sana ito ay magpumukaw sa puso at isip ng mga tao na magising, mag-isip kung ano nga ba ang kailangang gawin, ano ang bahagi natin dito para mapangalagaan ang ating pamilya, ang universal family,” dagdag pa ng obispo.

Samantala, binigyang-diin naman ni Franciscan priest Fr. Angel Cortez, co-executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines, na ang paghingi ng tawad ay mahalagang hakbang upang maranasan ng tao ang awa at kapatawaran ng Diyos.

“Hindi natin matatanggap ang kapatawaran ng Diyos kung ang mga kasalanan natin bilang mga Katoliko at Kristiyano ay hindi natin aangkinin at aaminin,” paliwanag ni Fr. Cortez.

Ayon sa pari, ang paggunita sa Daan ng Krus ay paalala na sa kabila ng mga krisis at suliraning kinahaharap ng lipunan ay nananatili ang pag-asa sa pamamagitan ng pagmamahal at awa ng Panginoon.

“Sa lahat ng issue at crisis na pinag-uusapan, darating din ang tagumpay sa pamamagitan ng pagmamahal at awa ng Panginoong Hesukristo,” ani Fr. Cortez.

Dagdag pa ng pari, hindi dapat manatili sa panlabas na gawain ng debosyon ang pananampalataya ng mga mananampalataya kundi dapat itong magbunga ng tunay na pagbabagong-loob.

Isinagawa ang Confessio Peccati sa temang “Daan ng Krus, Lakbay ng Pag-asa at Pananampalataya” bilang bahagi ng panawagan ng mga consecrated men and women na hikayatin ang mga mananampalataya na magnilay sa kanilang mga pagkukulang sa Diyos, sa kapwa, at sa kalikasan, kasabay ng pananalangin para sa pagbabagong moral at panlipunan ng bansa.

Nagsimula ang gawain sa San Jose, ang Tagapagtanggol Parish na pinangunahan ni CMSP Chairperson Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, kung saan halos 1,000 consecrated persons at mga layko ang sama-samang nagsagawa ng Daan ng Krus patungong Cathedral Shrine and Parish of the Good Shepherd, kung saan pinangunahan ni Bishop Gaa ang closing rites ng Confessio Peccati 2026.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 44,257 total reads

 44,257 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 91,215 total reads

 91,215 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 192,482 total reads

 192,482 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 262,658 total reads

 262,658 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 346,580 total reads

 346,580 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top